.."Pero pwede pa natin maibalik ang dati.." sabi nya. Kaya naman napa angat yung ulo ko sa tumingin ako sa kanya.
.."Pero kailangan mong mamili.." sabi nya na nakapagpakunot naman ng noo ko at nakapagpataas ng kilay ko.
.."Anong pipiliin mo? KPOP o AKO?" at pagkatapos nyang sbihin yon, para ba akong nabingi...
KPOP o sya?? Bakit nya ako pinapipili? Ayoko pa naman sa lahat yung pinapipili ako sa mga bagay na mahalaga sa akin...
"W-what?" sabi ko. pinapa ulit ko sa kanya ung tanong nya.
"KPOP o AKO?" Sabi nya..
Anong pipiliin ko?
Ang boyfriend kong kasama ko ng mahigit 2 years? Na laging tumutulong pag kailangan ko. Ang first boyfriend kong minahal ako at minahal ko rin kahit papaano...
O
Ang KPOP na kasama ko ng mahigit 3 taon? Ang inspirasyon ko... At alam kong hindi ako iiwan..
???
...
..
Haaay nandito ako ngayon sa kwarto ko. Iniisip pa rin ang ga kaganapan kanina...
Hindi ko pinagsisihan ang naging desisyon ko...
Si Dylan...
Siya...
Siya ang pinili ko...
Siya ang pinili kong pakawalan...
Pinili ko ang KPOP...
Hindi ko kayang iwan ang KPOP.
Dahil ang KPOP ang naging daan kung saan ko nahanap ang mga tunay na kaibigan...
Dahil sa KPOP masaya ako...
Dahil ang KPOP, alam kong hindi ako iiwan.
Dahil ang KPOP ay isa sa mga inspirasyon ko sa buhay.
Dahil ang KPOP, kahit na may iba akong pinagkakaabalahan, hindi nya ako papipiliin, kahit na makalimutan ko sya, nandyan lang ang KPOP para sa akin.
----------------------------------------
*After 2 months
Haaaaays. Bakasyon na namin! Wala naman akong magawa
dito sa bahay kaya palagi nalang kaming nag ma-malling nila Courtney at Chanel. Si Dylan naman, kahit di na kami, at least naging friends kami. Mas okay na yun para sa akin.
Ang pagiging KPOPer ko kamusta naman? Eto ayos naman. Habang tumatagal lalong sumasaya.
Oo nga pala, tumawag sa akin si Mommy, malapit na raw silang umuwi dito sa Philippines.
-------------------------
At ayun nga hindi rin nagtagal ay dumating narin sila Mom at Dad.
Ngayon kumakain kami ng dinner.
"Anak, may pinaplano kami ng mommy mo para sa iyo. Palagi mo lang isipin na ang gusto lang namin palagi ang ikakabubuti mo." sabi ni Daddy
"Yes right, your dad is right." sabi ni mom. Hindi sya marunong nag tagalog kasi nga diba korean sya. Kaya english.
"Ano po ba yung pinaplan nyo para sa akin?" sabi ko.
"Papayag ka ba kung ipa arranged-marriage ka namin?" sabi ni dad.
Nagulat naman ako sa sinabi at siguro napansin nya yung pagkagulat ko kaya naman nagsalita sya agad.
"Pero anak okay lang kung ayaw mo. Pero sana subukan mo muna na makilala sya, anak sya ng business partner natin sa Korea, may itsura naman din sya at may talent pa sa pagkanta. Then, kung hindi talaga sya gusto, then okay lang sa amin yun" sabi ni dad sabay ngiti sa akin.