Chapter 11

6 2 0
                                    

"Alam mo kuya ang epal mo din minsan"nguya" Hindi pala minsan LAGI" nguya subo subo nguya nguya lunok.


Hanggang ngayon talaga hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang paninira ng aming momentum ni Boy Blue.


"Atleast" nguya " Alam na niya ang pangalan ko." Subo nguya nguya "Pasalamat ka pa nga sakin" Lunok subon lamun.


"Eh! Kahit na! Kuya Paul paabot naman ng kanin. Salamat." Nginitian ko muna si Kuya Paul at lumingon uli kay higante.


"Chance na yun para maging close kami! Pano pag hindi na uli kami magkita? Sana manlang nalaman ko yung pangalan niya para naman naadd ko siya sa fb o nafollow sa twitter. Hay naku utak naman minsan kuya!"


"Kamalayan ko?! Edi siya na ang maghanap sayo!" subo nguya lunok " Gutom na ako nung mga panahon na yun? Makakapag isip pa kaya ako ng maayos?" Hay naku sa lahat ng mamanahin ko sa kapatid kong ito yung ganan pang ugali hindi makapag isip pag gutom.


"Patay gut--" "Ehem"


Parehas kaming napabalikwas nung tumikhim Kuya Paul.


"Hindi na ba kayo matatapos sa pagtatalo niyo?" Kanina pa pala nakikinig samin si Kuya Paul malay mo OP lang siya kaya nainis. Hahaha. Pero OA naman makaseryoso si Kuya Paul. Ang sama ng tingin samin tas yung mga kamay niya nakapatong na sa lamesa na parang nagdadasal nakapatong pa yung baba niya. Grabe ha!


"Kasi Tanda este Kuya kailangan na nating maglagas ng pera kasi napatunayan ko na si Cecilia talaga ay hindi tomboy nagbabalat kayo lang pala siya. Kani kanina ko lang yun napatunayan."


"Tiano!" Sabay sipa ko sa paa niya.


Parang nagconvert yung moode ni Kuya Paul kung kanina seryoso siya matapos lang niya marinig yung sinabing kalokohan ni higante parang pumapalakpak ngayon yung mga tenga niya. Hay.



"Talagang talaga? Kailangan talaga natin iyang ipagdiwang!" Nakahanap na naman ng isa pang kakampi ang isa.


"Hindi ko lang nakita yung mukha nung lalake kasi nakasuot ng mask. PERO kakaiba ang kulay ng kanyang buhok kulay blue." Talagang may diin sa word na pero -_-


"Siguro kaya nakasuot yun ng mask kasi makapal ang nguso kaya tinatakpan o di kaya sobrang pango nung ilong yung tipong 10 wheeler truck ang nakabangga. Hahahaha." Nagsimula ng mamula ang dalawang ito. Sabi na nga ba.


"Baka bengot! Hahahaha." At talagang nag apir pa ang dalawa.


"Hindi kaya! Nakita ko na ang buong mukha nun no! Napaka perpekto kaya ng mukha nun! Wala pa kayo sa kalingkingan nun no! Mahiya nga kayong dalawa sa kakapula dyan!"


"Edi mahal mo na siya niyan? Gusto mo ipahunting ko na tutal mapera naman ako ngayon kahit sang lupalop pa siya mahahanap at mahahanap ko siya gawa ng kaperahan ko."

Privilege to Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon