Chapter 5

18 3 15
                                    

Ngayon alam ko na ang pakiramdam na umasa at mag assume. Kakaasar kasi nagexpect ka na may mangyayare yun pala WALA.


"Waaaaah! Kuya paul super namiss kita! Mwa!" Hinalikan pa talaga ni Sophie si Kuya paul sa pisngi.


"Tiano! Why so hawt? Ang macho mo na ang gwapo pa. O M Gulaaaay!" matinis naman na sabi ni Mica habang yakap si Kuya Tiano.


Peste kala ko ako ang sasalubungin ng dalawang ito yun pala sila kuya lang pala. MGA PAASA!

Hanggang ngayon hindi pa rin binibitawan ng dalawa sila kuya.


"Oy Sophie! Bumitaw ka nga kay Kuya! Bakit siya ang niyakap mo? Ako ang boyfriend mo! Bitaw nga muna Mica!" naasar na sabi ni Kuya Tiano.


"Eh? Bat ba?! Pwede ba! Mandiri ka sa sinasabi mo Tiano! Nakakaumay na yang mukha mo eh!" Sophie habang nilalamutak sa yakap si Kuya Paul.


"Ano?! Anong nakakaumay. Oy babae kakauwi ko lang kaya!"- Kuya Tiano.


"Who cares? Kung hindi ko lang labs si John si Kuya Paul na ang aasawahin ko no! Hahahaha." ngayon nakalingkis naman siya sa braso ni Kuya Paul.


"Ako ang BOYFRIEND mo! Mahiya ka nga Kuya nating lahat si Kuya Paul atsaka 5 years ang age gap niyo! 5 YEARS!" kahit kaylan pikon talaga ang lalaking ito. Halata namang inaasar lang siya ni Sophie.


"Manahimik ka nga Tiano! NEVER na magkakatuluyan tayo! NEVER! Over my dead sexy body!"


Mga tao nga naman ngayon bakit mas ginugusto nila yung mga taong ayaw sa kanila tas hahabulin nila? Hindi ba pwede kung sino may gusto sayo yun ang gustuhin mo? Wag ng choosy!

Kawawa naman si Kuya Tiano. Para kasing puppy love ni Kuya Tiano si Sophie kaya ganan si Kuya Tiano kay Sophie. Kung ilang daang beses na nireject ni Rivera si Sophie. Triple naman yung pangbubusted niya kay Kuya Tiano. Hahahaha. Mga tao talaga.


"Naku Tiano! Kung hindi ko lang mahal si Roswell ikaw na ang inasawa ko! Hahahaha." Magaling at naalala pa niyang may boyfriend siya.


"Oo nga dun ka nalang sa asong ulol na yun at sa iyong pinsan lang ako." pagtutulak ni Kuya Tiano kay Mica.


"Alam mo Tiano. Mamahalin na sana kita, hindi lang natuloy kasi nagpakita kalang uli." -Sophie.


"Sophie wag ka namang ganan kay Tiano. Parang hiniling mo na mamatay na siya." -Kuya Paul


"Omy! Kuya Paul! Why so genius! Yun nga yung point ko eh! Hahaha."-Sophie.


"Kahit anong gawin mo. Hindi ka papatulan ni Kuya Paul. Hahahaha" -Kuya Tiano.


"Whatever Tiano MA-NI-GAS KA!" -Sophie.


Mga nilalang na ito. Akala ata nila sila sila lang ang tao sa paligid. Huwaw ha! Hindi ba nila ako nakikita dito? Peste malayasan na mga engkanto ito, bahala sila. Dadalhin naman ng dalawang iyon ang bag ko.

Privilege to Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon