CHAPTER FIVE

2.6K 69 3
                                    


"HI, MOM," bati ni Nadia sa ina sabay halik sa pisngi nito."What's that?" Inginuso niya ang oven na naka-on.

"Carrot cake at luto na iyan," sagot ni Carina at kinuha ang pot holder at hinango mula sa oven ang tray ng cake.

"Yucks!" She made a face. "Kaya hindi ako tumaba-taba dahil kahit sa cake ay puro gulay ang lagi ninyong inihahanda."

"Bakit ba lagi mong sinasabing payat ka? Hindi ka payat. You're slim."

She rolled her eyes.

"At saka healthy foods ang inihahanda ko sa inyo ng ama mo, masama ba iyon?"

Ang mommy niya'y isang nutritionist sa isang malaking ospital sa Maynila bago ito napangasawa ng Daddy niya. Naging full-time housewife nang pakasalan ni Benedict. Malayo ang Maynila mula sa San Ignacio at gusto ni Benedict na sa bahay na lang ang Mommy niya, na hindi naman kinontra ni Carina. Ang daddy niya'y executive sa isang milk company na ang main office ay sa Australia.

Three years ago, right after her graduation from elementary ay na-assign doon ang ama niya. Isinama sila ni Benedict sa unang taon nito sa Australia. Regalo sa kanya nang magtapos siyang valedictorian. Doon nila ginugol na mag-ina ang summer vacation.

"O, sige na nga. Pero paborito ni Tita Zeny iyang carrot cake, di ba?" Bago pamakasagot si Carina ay idinugtong. 

"Dadalhan ko." At patakbong lumabas ng kusina.

"Ang Tita Zeny mo o si Miles?" tuksong pahabol ni Carina.

Nasa labas na siya ng two-way louver door nang magpreno. Dumukwang sa dalawahang pinto.

"May laman ba ang sinabi n'yo, Mommy?" nanantiyang tanong niya sa ina na nakangiti.

"Ano ba ang pinagsasabi mong bata ka? Tinatanong ko lang kung ilan ang pagdadalhan mo para madamihan ko ang ipadadala," painosenteng sagot nito.

"Mommy, naman. Siyempre silang tatlong mag-anak. At doon ko na rin kakainin ang share ko."

"Sige. Pero magpalit ka muna ng pambahay. Malamig na ito sa sandaling makababa ka."

Napailing si Carina nang makaalis ang anak. Bagaman kung minsan ay spoiled ito dahil nag-iisa lang, bukod pa sa wala itong gusto na hindi ipinagkakaloob ng asawa, ay likas dito ang pagiging masunurin atmalambing. Alam niyang bata pa lang si Nadia ay malapit na kay Miles. Marahil ay nasasabik ito sa kapatid na lalaki. Subalit nitong huli ay nahahalata niya ang pagkahulog ng damdamin ng anak kay Miles.

But she considered it normal na magka-crush si Nadia sa anak ng kumare niya. Miles was devastatingly attractive. Nadia would get over it soon at muli na namang nagkaka-crush sa ibang lalaki. Part of growing up.

She really hoped so. Dahil nabanggit minsan ni Zeny na tila nagkakaseryosohan sina Miles at Arlyn. Na malimit magtawagan sa telepono ang dalawa. At malimit din ang mga ito sa beach at magkasamang naliligo.

"ANG SABI sa akin ni Arlyn, mayroon na raw siyang partner sa prom," kuwento niya kay Miles habang magkaharap silang nagmemeryenda sa dala niyang cake.

"Sinabi ba niya kung sino?" intere-sadong tanong ni Miles na hindi naituloy ang pagsubo.

"Hindi," ngumunguyang sabi niya. "Palpak nga si Crisanto, eh."

"You never learned your table manners. Uminom ka nga muna," he grimaced at iniabot ang orange juice.

Tinaasan lang niya ng kilay ang sinabi nito. "Ako nga, wala nang balak pumunta sa prom. Kasi ayaw mo naman," sabi niya sabay abot sa baso ng juice.

Hindi kumibo si Miles. Napatingin dito si Nadia at may pumasok na kalokohan sa isip. Dumukwang ang dalagita at bago pa nahulaan ni Miles ang gagawin niya'y napuno na ng icing ang ilong ng binata.

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon