CHAPTER TEN

2.9K 81 21
                                    


HE THREW his arms and felt a warm body next to him. Dreamily, he moved his hand up and found her breast. He caressed it gently as he moaned.

With eyes still closed, he moved closer and kissed her nape and murmured sleepily.

"Hmnn... even in dreams, you have such enticing scent, sweet—" He stiffened. Dinama muli ng kamay ang katawang hawak. He could not possibly dreaming, could he?

Slowly, he opened his eyes.

"Nadia!" sindak nitong bulalas nang makilala ang katabi. Subalit ni hindi nagising ang dalaga na napuyat sa kaiisip sa nagdaang gabi.

Biglang napabalikwas ng bangon si Miles. Kaagad itong napahawak sa noo nang sandaling umikot ang paningin.

On cue, biglang bumukas ang pinto ng silid ng binata at sumungaw si Mrs. Sta. Romana na nanlalaki ang mga mata. Sinamahan pa iyon ng malakas na pagsinghap.

"Madre mia, Emilio! Ano ang nangyayari rito? Bakit narito si Nadia sa silid mo at—hubad?!"

"Ma, hindi—ko alam." Nalilitong nilinga ng binata si Nadia sa tabi nito. Hindi maisip kung bakit naroon ang dalaga. And worst ay pareho silang walang damit na suot. Dagling hinahagilap sa isip ang nangyari.

Sa malalaking hakbang ay lumapit si Zeny patungo sa kama at banayad na tinapik sa braso si Nadia. "Hija, gumising ka... Nadia..."

Nadia moaned. At isusubsob pa sana ang mukha sa unan subalit mas mapilit ang yugyog sa braso niya. Unti-unting nagmulat ng mga mata ang dalaga.

"T-Tita?" usal nito. At nang malingunan sa tabi si Miles ay napabalikwas ng bangon.

"Damn!" mura ni Miles sabay talikod nang makitang humulagpos nang tuluyan ang kumot sa katawan ng dalaga.

Si Mrs. Sta. Romana ay inabot na muli ang kumot kay Nadia. Prantikong itinakip ng dalaga sa sarili ang kumot habang unti-unting bumabalik sa isip ang plano nila.

"T-Tita... Miles?" Agad siyang nagyuko ng ulo. Hindi niya magawang tumingin kay Miles.

"Magbihis kayong dalawa at sumunod sa akin sa ibaba. Gusto ko kayong makausap," ani Zeny, in her most stern voice. Pagkuwa'y iniwan sila.

Hindi malaman ni Nadia kung paano kikilos at ano ang dapat sabihin nang silang dalawa na lang ni Miles. In the light of day, things were even worse.

Pinakatitigan ni Miles ang dalagang hindi malaman ang gagawin. Kung babangon o hihigpitan ang pagkakatapis ng kumot.

"Hindi ako makapaniwalang nalasing ako sa tatlong boteng beer, Nadia," ani Miles sa seryosong tinig.

Iniwas ni Nadia ang mga mata. "Y-you hardly eat last night. K-kaya agad na tumalab—"

Marahas siyang nilingon ni Miles. "Don't say another word!" Banta nito at padabog na tumayo, walang pakialam kung hubad. Nagbihis sa mismong harap niya.

Nang makapagbihis ay tinapunan siya ng matalim na tingin bago pabagsak na isinara ang pinto pagkalabas.

She wanted to cry. Pero ayaw bumagsak ng mga luha niya. Dahil hindi naman kaiyak-iyak ang pangyayari. Sa halip ay malaking problema ang kahaharapin niya sa harap ni Miles at ng mga magulang niya. Ngayon niya gustong pagsisihan ang ginawang desisyon. Minsan man ay wala siyang natatandaang nagalit nang ganoon si Miles sa kanya.

"MAMA, wala akong alam sa nangyari sa amin!" pangangatwiran ni Miles nang magkaharap sila ng ina.

"Miles, malinaw ang ibig sabihin ng nakita ko," ani Zeny sa anak. "Hindi natin maaaring ipagwalang-bahala ang namagitan sa inyo ni Nadia. Ano na lang ang sasabihin nina Carina at Benedict? Nagtitiwala silang dito matulog ang anak nila. Pero ano itong ginawa mo?"

Sweetheart 08: My Cheating Heart (This is a true story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon