FA2

7 1 0
                                    

AN: Ganito pala kapag gumagawa ka ng story minsan nabablanko na isip mo kung ano na ang update mo. I hope magustuhan niyo ito! :)

Amanda's POV,

After ng klase namin dumiretso na lang din ako ng uwi. Pero ang swabe talaga kanina ng bff ko ang galante sa Kainan ni Mang Bebang pa ko dinala! Favorite naming kainan yun eh! Hahahah

Teka! My name is Amanda Zuniga! 17 years old! From Antipolo City! Ang pinaka maganda sa balat ng lupa! Confetti! Confetti!

"Hoy Amandang lande! Nasan ang pagkain ko? Bakit di niyo man lang ako tinirhan?" Ayan na ang Tatay ko.

"Eh Tay, sakto lang po yung naiuwi ko para sa mga kapatid ko eh." Ipinag-order din kasi sila ni Bishfriend ng pagkain para daw may kakainin sila.

"Aray Tay!" Nagulat nalang ako ng bigla akong sampalin ng tatay ko. Naiyak nalang ako ng dahil sa sakit.

"Eh t*rantado ka pala eh! Sana di kana lang kumain sana ibinigay mo nalang yung parte mo sakin! Wala kang kwenta!" Sabi ng Tatay ko ng dahil sa kagutuman siguro. Lumabas nalang agad ang Tatay ko at kinalabog ang pinto pagkalabas niya ng bahay.

"Ate ayos ka lang ba?" Sabi nung sumunod sakin. Panganay kasi ako eh. Umiiyak na din sila ng bunso kong kapatid. Sa aming magkakapatid ako lang ang babae at ako lang ang laging sinasaktan ng aking ama. Niyakap ko lang sila ng mahigpit para baka mabawasan man lang yung sakit ng sampal ng tatay.

"Oo ayos lang ako. Gutom lang si Tatay kaya ganun yun. Mahal na mahal tayp nun!" Ayoko silang lumaki ng walang galang sa aming tatay. Alam kong mahal pa din kami ng tatay. Pinapasok ko nalang sila sa among kwarto upang matulog. Di ko kayang makita pa nila kong umiiyak ng dahil sa nangyari kanina.

Aly's POV,

Nagrereview ako sa aking mga subjects dahil nakakadama ako na magpapa-quiz yung teacher naming asungot sa physics. Ayoko ko ng mababang score, masyado kong grade conscious at aminado ko don. At matindi din ang pressure ko kay Papa pagdating sa studies.

♪ Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! Bang! ♪

Ringtone ko. Hahaha :D Alam kong imba ang mga ringtone ko. Trip ko yan eh. Tinignan ko kung sino ang caller ang Bishfriend ko pala.

"Hello Bishfriend! Ang ganda ko lang! Sobra! :D" Bungad ko sa bestfriend ko. Pero biglang nagbago ang good mood ko dahil humihikbi nanaman ito. "Bishfriend anong nangyari nanaman?" Kinuwento niya sakin kung ano ang ginawa nanaman sakanya ng magaling niyang ama.

"Bishfriend bakit ayaw niyong iwanan yang papa niyo? Sumama ka sa kapatid ng Mama mo matagal naman kayo nung kinukuha eh. Hayahay ang buhay niyo dun, mas makakabuti sa inyo yun?" Kinukuha kasi sila nung Tita nila simula nung iwan sila ng mama nilang magkakapatid.

"Mahirap Bishfriend. Mahal na mahal ko ang Tatay at ayoko siyang iwan kami na nga lang ang pamilya niya, iiwan ko pa ba? Ayoko ng dagdagan pa ang mga kamaliang ginawa ni mama samen. Kahit ganun si Papa mahal ko pa din siya at nirerespeto. Ang hirap lang talaga!" Sabi ng best friend ko habang umiiyak.

"Bishfriend naman eh! May mga bagay sa mundo na dapat pang ituloy kasi alam mong may patutunguhan pa pero may mga bagay din na dapat ng sukuan kung alam mong wala ng patutunguhan eh. Para naman kase sa ikakabuti niyo, isipin mo nalang yang mga kapatid mo Bishfriend!" Hinayaan ko lang umiyak ang best friend ko sa telepono. Dinamayan ko lang siya dahil kahit may pagka abno yun mahal ko yun.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forever Alone?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon