FA1

10 0 0
                                    

Authors Note: This is most probably my first time to write a story. Please have patient on my grammars and typos. I hope you understand! Ilabyowall.
-

Aly POV,

♪ MAY SUNOG! MAY SUNOG! MAY SUNOG! MAY SUNOG! ♪

"Awts!!!! Ang sakit. DaisySyete oh! Kainis talaga ang alarm ko kahit kailan araw-araw nalang ako nalalaglag sa kama, di na ko nasanay. Tssss!" Bumalik ako sa kama at pinatay ko ang alarm ko sa phone ko na sobrang lakas ng sounds. Badtrip.

"Anak bumaba kana! Kumain kana at baka malate ka pa ng pasok mo! Wala ng 15 minutes pa! Hindi ako computer shop. Dalian mo!" Sigaw ni Nanay mula sa baba.

Bumangon na ko at nagsuklay ng onte at humarap and charan ang ganda ko talaga with my morning face. Kinuha ko agad ang phone ko and then selfie muna pang IG! After kong ipost ang napaka fresh kong picture dahil sa isang camera app. Credits to them! I check my facebook account, and OMO dameng likes at comment ng status ko kagabi. Binasa ko ang ilang comments baka may tips sila:

Sabi nung isa "Tumalon kana lang sa tulay ng Guada, panget mo kasi" Aba tipaklong to ah! Ako pa panget ah? "Thanks for your opinion. PS. Too much insecurity will not make you dyosa." Hahaha. Akala niya ah! Epalogs eh.

Teka, ito comment ng Bishfriend (Bestfriend) ko "Wag mo siyang hanapin mas wala kang mapapala. Tandaan mo hindi hinahanap ang pag-ibig kusang yang dumadating. There's always time for it. Darating yan, wait ka lang. Hinuhubog lang ni God ang para sayo, para maging karapat dapat sayo. Just focus first on study". Whahahaha -__- Masyadong malalalim ang sinasabi niya. I relpy "Thankyou Bishfriend! Masyado kanang praktisado sa pag-ibig. Sige, I go for your advice. Thanks for always being there for me. Loveyou!"

After checking my Facebook. I check again my IG account and another OMO again. After 15 mins its 246 likes. Iba na talaga ang famous (with matching flipping my hair).

"Anak ano na? Papatayan kita ng WiFi dyan! Ang bagal mo talaga". Ang nanay ko talaga oh! "Wag Ma! Pababa na!" Sagot ko! Naligo na ko at nag-ayos na ng sarili ko. Konteng light lipstick at powder lang ako nilalagay ko sa mukha ko.

"Aly kumain kana malelelate kana! Dalian mo! Andyan ang favorite mong Hotsilog!" Ani ni Mama. Kumain na ko ng mabilis at tinawag na ko ni Papa para makaalis na kami.

"Montemayor Academy" isa sa mga sikat na private school dito sa Rizal. Masyadong marameng pasikat dito, mga famous nga tao dito ika ng mga tao kung saan saan. Pero wala kong paki andito ako para mag-aral at i-meet ang aking goal ko na maging valedictorian. Last year ko na dito, malapit na kong grumaduate pero hanggang ngayon wala pa kong nagiging boyfie. Huhuhu :'( Foverer alone talaga ko sa pag-ibig.

"Bishfriend! Ang ganda mo ngayon, ang blooming mo! May boyfriend kana?" Bungad ng bestfriend ko sakin nakasalubong ko papaunta sa room namin.

"Tipaklong kaba? Parang di ka nag-comment sa status ko kagabe ah? Nang-aasar kaba? Anong kailangan mo?" Pustahan papalibre to.

"Sagutin mo naman lunch ko. Di kasi ako binigyan ng baon ni Tatay eh. Naubos na daw sa sugal." Hays. Grabe talaga tatay ng besfriend ko.

"Oo na. Eh hindi ba kakasweldo mo lang? Naubos mo na?" May part time kasi siya eh.

"Naubos na, nagkasakit kase yung isa kong kapatid, kaya pinatingnan ko sa doktor tapos binili ko pa ng gamot. Tapos yung bunso naman namin may project kaya binilhan ko din." Kawawa talaga. Di na ko nagsalita at dumiretso na kami papasok ng room at tumunog na din ng bell.

AN: Sorry ang lame niya! Kainis -__-

Forever Alone?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon