03

0 0 0
                                    

"Do you know him?"

"Sino po, Ate?" Tanong ng kaklase kong si Gelay, the one with red big puffy cheeks.

"That guy over there." Itinuro ko ang lalaking ilang metro lang ang layo sa lamesa namin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang saglit na pagdaan ng gulat sa mukha niya.

"H-hindi p-po. B-bakit?" Umiling ako saka siya nginitian.

"Wala. Forget about it."

This is so frustrating!
Hindi ko talaga maalala kung sino ang lalaking iyon. As far as I remembered, wala naman akong amnesia. How come na wala akong memorya niya?

Impossible namang kaklase ko siya bago pa man ako tumigil, e, 20 lang kami noon. Saulado ko ang mga pangalan at mukha ng mga naging kaklase ko. He's not one of them.

Ugh!

"Hi, Suzanne!" My trance came upon me as I heard Lolita's lively loud voice.

"Lolita!" Tumayo ako sa pagkakaupo at sinalubong siya ng yakap.

"I missed you! Come and join us," Pag-anyaya ko rito at saka iginiya sa lamesa namin. Nagkaroon lang kami saglit ng maikling kumustahan hanggang sa napansin ko ang paghaba ng buhok niya.

"Humahaba na pala yung pwersahang ginupit ng nanay mo?" Nangunot ang noo nito na parang may pagka 'di gusto sa sinabi ko.

"How did you know that? Only I and Analyn knew about it?"

Stupid!

Bakit ba kasi binanggit ko pa iyon? Ang dami-dami namang pwedeng pag-usapan eh.

. . .come on, think an alibi.

"Ah! Ano, nabanggit niya lang din sa akin noon. Nagtaka kasi ako kung bakit umikli ang buhok mo, tapos 'yon sinabi niya. But don't worry, wala naman akong ibang pinagsabihan." Hinawakan ko pa ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at saka sumulyap kay Gelay.

"Sorry, Lolita. Nasabi ko pa, may iba na tuloy nakakaalam ngayon. I'm so sorry." Dahan-dahan nitong binawi ang kamay niya bago itinago sa ilalim ng lamesa. Binigyan lang ako nito ng hilaw na ngiti bago tumayo.

"I think, I gotta go. Nakalimutan ko kasing hinihintay nga pala ako nina Maeke."

"Gano'n ba?" Tumango ito bago kami tinalikuran.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Suzanne is backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon