Beauty is Necessary?! (NOT always!)

149 7 9
                                    

Alwina's POV

Sa Classroom...

"Ang Ganda talaga ni Ate Kyle no?!" napatingin naman ako sa katabi kong nagsalita at...............

O______________O

OH MY GOSH!! masiyado ba akong nakapag-focus kay ate Kyle sa harapan at hindi ko siya napansin na umupo....at sa!!! Sa!! SA TABI KO PA!!!!! WAAAAAAAHHHHH!!! Kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako kinikilig ako...ehhhhhhhh...hihihihi...sarap manghampas ngayon....waahhh!!

Siguro yung iba sa inyo hindi na nagtatakha at alam na kung bakit ganiyan ako nag-react kaya hindi ko na sasabihin pero dahil sa kinikilig talaga ako ng bonggang bongga eh sasabihin ko pa rin na.....

SI CRUSH!!!....si crush katabi ko at I will TAKE NOTE this!!! Kinausap niya ako!!! Kinausap niya ako....at kahit walang magsabi alam ko na ako ang kausap niya kasi wala namang ibang tao sa row na 'to kung hindi ako at siya kaya alam ko na ako ang kinakausap niya waahhhhh!!!! Kinikilig talaga ako...kinikilig ako sa...

Sa BOSES niya...

Sa fact na KINAUSAP niya ako...

At sa AMOY niya...

Basta LAHAT LAHAT sa kaniya kinikilig ako..

ihhhhhh....

But except the fact na hindi naman about sa kaniya, about sa akin or.....about sa aming dalawa (ABOUT SA AMING DALAWA!!! MEGANON?!) angpinag-uusapan namin ngayon pero kahit na....KINAUSAP niya pa rin ako...wahhh!!

"Oo, maganda siya, sobra....tapos bonus pa na matalino at mature na din siya para na nga siyang All in one eh!" pangsang-ayon ko naman sa kaniya at tumingin kay ate Kyle na nasa harapan at busy sa pagrereport ng tinokang topic sa kaniya ni Sir.

Tama! Si Ate Kyle....All in one na siya....lahat ng hihilingin nang isang lalaki para sa isang babaeng type or ideal niya eh na kay ate Kyle na....maganda siya at check na check na yun! Pero siyempre may mas maganda pa sa kaniya pero hindi mo pa rin maipagkakaila na maganda talaga siya.

Matalino siya. Actually siya pa nga yung Top 1 namin noon at panigurado na siya na naman ang Top 1 ngayon at sa mga susunod pa naming school year.

At isa pa! Mature siya! Di tulad ko na laging nakakatanggap ng bulyaw sa kaniya at sa nanay ko na may pagka-isip bata pa ako kahit na 15 na ako.

Hayyy! Lahat halos ng wala ako napunta sa kaniya kaya hindi ako magtataka na napapabilang ako sa bilang ng mga taong gusto maging siya kahit isang araw lang at hindi rin ako magtataka kung isa rin ako sa mga na-iinggit sa kaniya.

At mas lalo akong hindi magtataka kung marami ang nagkaka-crush slash nagkakagusto sa kaniya kahit itong katabi ko hindi ako magtataka kung nagka-crush to kay ate Kyle....well tama po kayo ng basa na crush ni crush ko si ate Kyle na kaibigan slash tinuturing ko ng bestfriend ko.

Kaya hindi ako magtataka na maiinggit ako sa isang tulad niya..hayyyy.."Naiinggit ka sa kaniya no?" napatingin naman ako sa kaniya...siyempre kanino pa edi kay crush na katabi ko!

Tumingin muna ako kay ate Kyle sabay sagot ng "Sino bang hindi ma-iinggit sa isang tulad niya?" medyo malungkot kong sagot "Wag ka nang malungkot at mainggit pa sa kaniya.." napatingin naman ako sa kaniya na may pagtatakang ekspresiyon...

Pano naman ako hindi magtataka eh first time lang po kaya naming mag-usap sa tagal naming magkaklase nang ilang taon tapos mag-aalala na siya kagad but wait! Ba't ko ba yun iniisip dapat nga kiligin ako kasi nag-aalala siya sakin ihhhhhh.....pero weird lang kasi na yun ang dapat kong maramdaman diba dapat sa una pa lang pero parang hindi maganda ang kutob ko sa mga susunod niyang sasabihin.

Maganda ako! Marami Lang Hindi Nakaka-Appreciate!! (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon