First Summer

11 1 0
                                    

First Summer


SUMMER


S-uper

U-nexciting and

M-ega not-so-fabulous

M-oments

E-ver of

R-ain


That's the meaning of summer for me. Halata naman sa pangalan ko diba? Rain Nhy Asuncion. (Pronounce as Rain Ni)


Bakit ayaw ko ng summer? Simple lang,bukod sa wala akong allowance,hindi ko pa makikita ang mga friends ko. And the worst part ever,magbabakasyon na naman ako sa nakakadiring probinsiyang iyon. Makaka-usap at face to face ko na naman ang mga alagang manok at baboy dun. Great.


"Rainny!"


"What?!" Iritado kong sagot sa kanya. Tinawag niya na naman kasi akong 'Rainny'. Asar lang. Anong tingin niya sa pangalan ko,katuwaan?


"I can't take it anymore! I don't want this relationship! I'm not a fun of LDR for pete's sake! Like duh!" Hysterical niyang sabi. Kaya ayaw ko ng mga relationship thingy na yan eh. Tapos long distance pa. Psh. She's my bestfriend,Ezra Faith Villaverde,by the way. Mag-kausap nga pala kami ngayon sa telepono


Napatawa naman ako dahil sa kalokohang naiisip ko. "That's easy, break-up with him. Problem solve. Marami namang naka-buntot sayo, hindi ba?" I suggested. Sus! If I know yun din naman ang plano niya.


"I know right. That's my plan kaya." Told ya! Yan pa, eh 'playgirl' yan kung tawagin.


"Summer, honey?" Tawag ni Mommy mula sa pintuan. Napairap ako, here we go again.


Narinig ko ang tawa ni Ezra mula sa telepono. "Oh, Summer este Rainny pala, tawag ka ni Tita. Byieee!!"


"YOU—!!" Nanggigigil kong sigaw sa kanya. Pero napatay niya na pala yung tawag. Nakakaasar talaga!


"Summer!" Tawag ni Mommy mula sa labas ng pinto. "Okay! Okay! I'm coming. Geez!" Umirap ako bago tamad na naglakad palabas ng kwarto. I really really hate summer!


Pag-labas ko ng kwarto, sinalubong ako ng nakangiting si Mommy. "What is it again?" Bored kong tanong. Tinanong ko pa, alam ko na naman yung sagot.


"Summer—"


"And! Don't call me 'Summer'." Agad kong putol sa kanya.


"No, no, no! Summer ngayon, our deal remember?" Hyper niyang sabi. Yan ang hirap sa mga isip-batang magulang eh. Kailangan mong mag-adjust, dapat ikaw yung mature.


Tumango nalang ako sa kanya. I'm really tired of this. Taon-taon nalang tuwing summer.


"Your Dad and I talked, you're spending your summer in Bayanan." I knew it! Bayanan again and again. Pano na to, wala  na akong maisip na alibi.


Summer Love (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon