Fourth Summer

13 2 0
                                    

Fourth Summer

□Make me dance just like you...

'Cause you make mooooovveeee....

Yeah you always make me go...□

Nagising ako sa ringtone ng phone ko, may tumatawag. Kinapa ko agad ang cellphone ko bago sinagot.

"Hello?"

["RAIIINNNYYYY!"] Agad kong inilayo ang cellphone ko sa tenga dahil sa sigaw ng nasa kabilang linya. Sa tawag palang nito sakin ay kilala ko na kung sino ito.

"What the hell was that, Ez? Ang sakit mo sa tenga!" sigaw ko pabalik sa kanya. Asar! Umupo ako at sumandal sa headboard ng kama. Napangiti ako. Hindi na masakit ang ulo ko at tamang-tama na ang tulog ko.

["Ano yung narinig ko kay Tita, na nasa Bayanan ka na daw?"] Nagtatampo ang boses niya. At alam kong naka-pout rin siya ngayon. Why am I surrounded by childish people?

"Yes, nasa Bayanan na nga ako," sagot ko. Oo nga pala, nasa Bayanan na ako. Tsaka lang nag-sink in sakin.

["Why didn't you tell me?"] tanong niya. Naalala kong tinanong ko rin yan kay Mommy.

"Pareho lang tayong hindi sinabihan," naaasar kong sagot. Napailing ako nang maalalang wala nga akong kaalam-alam. They're unbelievable.

["So.. parang sapilitan lang, ganun?"] tanong niya. Tumango ako. "Sort of."

["So, naiistorbo ba kita sa pag-kausap mo sa mga manok at baboy diyan?"] tanong niya. Narinig ko pa siyang tumawa.

Umirap ako. "Ewan ko sayo."

["What?"] natatawa niyang tanong. ["You said it yourself, puro manok at baboy ang kausap mo diyan."]

Sasagot na sana ako nang may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"Mamaya na lang Ez, I'll call you." Sumang-ayon naman siya kaya pinatay ko na yung tawag.

"Summer! Yohooo!" Napatayo ako sa kama at hinanap kung nasaan yung tumatawag sakin.

"Summer! Summer!" Napagtanto kong nasa labas ng bahay yung tumatawag sakin. Kaya binuksan ko yung bintana ng kwarto ko, which is two windows lang kaya pag binuksan ay kita ang kalahati ng katawan ko. You know, yung mga bintana sa probinsiya.

Natanaw ko sa ibaba ang isang babae, dalawang palapag kasi 'tong bahay namin pero gawa lang ito sa kahoy. May konting semento pero halos lahat na sa bahay ay gawa sa kahoy.

"Summer!" Ngumiti sakin yung babae at kumaway. Tinitigan kong mabuti yung babaeng kumakaway sakin, may mahabang buhok , maputing balat at medyo panlalaking damit. Kung hindi ako nagkakamali, siya si...

"Ellize?"

Tumango siya, malaki ang ngiti. "Oh my gosh, Ellize!" Nagmadali akong bumaba sa bahay at pinuntahan siya. Tumalon-talon kaming dalawa na parang mga bata.

"Ang laki ng pinagbago mo ah! Sobrang ganda mo na!" Siya si Ellize Asuncion, pinsan ko.

"I know right." Tumawa ako. "Nasan na yung kakambal mong laging galit sa mundo?"

Tumawa siya. "Kaya nga ako pumunta dito, halika, marami akong ipapakilala sayo." Hinila niya ako papunta sa kung saan.

"T-teka..." Hindi pa ko naliligo! Atsaka, kagigising ko lang. "Halika na!" Hinila niya ako lalo. Pagkatapos ng ilang segundo ay nagpahila na rin ako sa kanya. Napangiti ako, hindi pa rin siya nagbabago, makulit pa rin siya.

Summer Love (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon