1: BEING STARED

36 3 0
                                    


Serene's POV


"Welcome to Blue Heaven Café and Pastry, ma'am and sir..."masiglang bati ni Ate Jelyn sa dalawang bagong pasok na customers. Isa siya sa mga waitress dito habang ako ay sa cashier nakatoka.

Gustong gusto ko talaga ang paraan kung paano siya mag-handle ng mga customers namin. Napaka-gentle at di nawawala ang ngiti sa mukha. Hindi kami magkapatid pero ganun na ang turingan namin sa isa't isa. Para tuloy akong nagkaroon nang instant ate sa katauhan niya.

Pero kung gaano ka confident si ate Jelyn ay siya namang pagkamahiyain ko. Pero nakikisalamuha naman ako sa iba, hindi nga ganun kagaling makipag-usap sa kapwa. Mas gusto kong nandito lang ako dito sa pwesto ko. At least dito magbibigay lang ako ng sukli at total amount nang babayaran. Hindi na kailangan nang maraming gagawin. Pero tumutulong din naman ako sa paglilinis pag konti na lang ang customer.

Gusto ko din namang mag-improve yung social skills ko kaya pinapanuod ko siya o inu-obserbahan para matuto mula sa kaniya. Naglakad na siya palapit sakin habang nakangiti kaya ngumiti din ako sa kaniya.

"Mel, order nang table number 5." inabot niya naman kay ate Mel yung notes niya at agad naman nitong tinanggap.

"Come in right up."sabi naman ni ate Mel.

"O, ulan na pala sa labas. Ilang araw nato ah? May bagyo ba?"tanong niya sakin.

Umiling ako para sabihing hindi ko alam. Hindi kasi ako nanunuod nang balita kasi wala naman kaming tv sa bahay. At saka wala na akong time para dun. Masyado ng nahahati ang atensyon ko sa pag-aaral ko, trabaho ko, at pati na sa pamilya ko kaya wala na akong time sa ibang bagay. Yung mga bakanteng oras ko ay ipinagpapahinga o di kaya ay ginugugol ko para sa pagrereview.

"Haayy, baka mamaya niyan bigla na namang bumaha sa daan. Mahihirapan na naman tayong umuwi nito."nag- aalalang sabi ni ate Jelyn.

" 'Wag naman po sana. Kailangan kong makauwi ngayon nang maaga eh. May long quiz kami bukas di pa ako nakakapag-review. Alam mo namang di ako pweding bumagsak ate, may scholarship akong inaalagaan ngayon."nakanguso kong sabi sa kaniya kasi baka mamaya niyan bigla nalang talagang bumaha. Makulimlim pa naman sa labas.

"Di naman kita pababayaan if ever Serene, sasamahan kitang umuwi sa inyo para makauwi ka ng maayos."sabi niya at pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko na ikinangiti ko agad. Ang bait talaga ni ate Jelyn.

"Jelyn ito na yung mga order nang table number 5."iniabot ni ate Mel kay ate Jelyn yung tray na may isang basong black coffee at yung isa ay expresso, isang slice ng cheese cake at tatlong croissants.

Nilibot ko ang paningin ko para mabilang ko kung ilan nalang ang customers namin. Alas singko na din kasi nang hapon at 7 pm pa ang out ko. Nasa mga limang tao nalang pala. Uupo na sana ako saglit nang mapansin ko ang isang babae sa may dulong table. Nakasubsob ito sa table at mukhang nakatulog. Parang kanina pa ata siya dun nakapwesto ah?

Bumalik na sa pwesto namin si ate Jelyn kaya kinalabit ko siya. Agad naman niya akong binalingan.

"Bakit?"nagtatakang tanong niya.

"Yung babae... mukhang kanina pa siya diyan. Nakatulog ata."turo ko dun sa babaeng nakaupo sa may glass window number 8 ang table.

"Oo nga noh? Ngayon ko lang din napansin na di pa pala siya nakakaalis. Kaninang alas dos pa siya diyan ah. Gisingin mo nga, tanungin mo kung okay lang ba siya."sabi sakin ni ate Jelyn. Aangal pa sana ako ng bigla siyang umalis sa harap ko para maglinis nang table sa table 4.

Miss Ravein's Serenity [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon