Kumuha ako ng upuan at nakaupong pinagmasdan ang dalawang nag-iinuman sa tabi ng pool. Naramdaman kong may nakatitig sa akin kaya pinalibot ko ang tingin at dahil onti lang ang tao rito sa likod, nakita ko agad si Levent na nakatingin sa akin.
Umiwas ako ng tingin. Hindi ko kayang makipagtitigan ng matagal sa kanya. Naaalala ko pa rin yung sinabi niya sa akin kanina.
“Levent! Tagay,” pag-aaya ni Papa sa lalaking nakatingin lang sa kanila.
Umiling kaagad si Levent. “It's okay Tito, I'm fine.”
Tumawa si Tito Vicente. “Nako, hindi umiinom 'yan.”
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Hindi siya umiinom? Weh? Imposible. Kahit ako nga, umiinom eh.
“Good boy ka pala Levent. Tama 'yan, 'wag kang gumaya sa tatay mo.”
“Babawi pa,” sabi ni Tito Vicente at pabirong sinapak si Papa.
“Ayaw mo bang subukan? Isang shot lang,” pangungulit ni Papa.
Mukhang nagdalawang-isip si Levent pero sa huli ay umiling pa rin.
“Nakita ko 'yon! Nagdalawang-isip ka! Sige na! Isang shot lang, try mo lang.”
Pasimple kong tinago ang mukha ko. Nakakahiya si Papa.
Hindi ko alam kung paano napapayag ni Papa si Levent pero natagpuan ko na lang na tatlo na silang tumatagay sa harap.
Pinagmasdan ko si Levent. Hindi halatang hindi siya umiinom kasi kahit na pangatlong shot niya na, maayos pa rin siyang nakikipag-usap sa dalawa. Akala ko magtutuloy-tuloy na pero mga ilang sandali lang ay napansin ko na ang pamumungay ng mga mata ni Levent.
Chineck ko ang oras at nakita kong mag-aalas dose na. Tumingin ulit ako kay Levent at nakita kong papikit-pikit na ito. Hindi ko napigilan ang sarili at lumapit na sa kanila.
“Pa, tama na 'yan. Lasing na kayo,” sabi ko at kinuha ang bote sa kamay ni Papa.
“Huh? Hindi pa kami lasing!” sinubukang bawiin ni Papa ang bote sa akin pero nilayo ko ito.
Hinanap ko si Mama at sinenyasan ko siya na kailangan ko ng tulong. Lumapit siya sa amin ni Papa at siya na mismo ang umakay dito. Papalit-palit ang tingin ko kay Tito Vicente at kay Levent pero kusang tumayo si Tito Vicente.
“Kaya ko pa iha, pwede bang tulungan mo ako rito kay Levent?” tanong niya na hindi ko mahindian.
Sinampay ko ang braso ni Levent sa balikat ko at ganoon din ang ginawa ni Tito Vicente. Habang naglalakad kami papunta sa loob ng bahay, narinig ko ang pag-bulong ni Tito Vicente.
“Ang sakit ng ulo ko...”
Minsan ay napapahinto kaming tatlo dahil humihinto si Tito Vicente para hindi matumba. Pinagmasdan ko sila at hinila ko na si Levent sa akin kahit na nabibigatan ako sa kanya.
“Tito ako na rito, mauna na kayo. Magpahinga na po kayo.”
“Ayos lang ba sayo Coarsie? Pasensiya ka na ha, nahihilo na talaga ako eh,” sabi ni Tito Vicente habang hinihilot ang sentido.
“Okay lang po, mauna na kayo.”
Ang ending, akay akay ko ngayon si Levent habang paakyat kami sa kwarto nila.
Ang bigat niya naman! Sana pala nagpatulong muna ako kay Tito Vicente paakyat. Dahan-dahan kong nilingon si Levent at nakita kong nakapikit na ito.
Aba'y hayahay ang lintek.
“Inom pa more, tapos kapag nalasing ako ang mahihirapan.”
Nang makarating kami sa ikalawang palapag, naghabol muna ako ng hininga bago inakay ulit ang kasama ko sa kwarto nila.
BINABASA MO ANG
Trespasser Of My Heart
RomanceCoarsie's priority should be her responsibilities as the daughter of Alynn and Alec Archevis. She was doing so well not until her father's friend came into their house with his son. His very annoying son. She even thought he was a trespasser. But wh...