Panimula

6 0 0
                                    

Tangay ng hangin ang buhok kong mahaba habang pinagmamasdan ko ang mga ibon sa farm namin. Rinig ko ang usapan ng mga magsasaka habang sila ay nagtatanim. Malamig ang hangin sa bukiran lalo na't ito ay probinsiya.

Dama ang preskong hanging habagat, pinikit ko ang mga mata ko habang inaalala ang mga nangyari kahapon. May nagtangkang sunugin ang farm namin at kung hindi pa ito naabutan ng mga bumbero, baka tuluyan na ngang nawala ang nag iisang pamana sa akin ng mga magulang ko. Kalahati sa mga kubo ang nasunog at hindi nadamay ang taniman. Kung gusto nilang mawala ang farm, bakit nila sinimulan ang apoy sa mismong mga kabahayan ng mga workers namin dito?

“Ma'am Coarsie! Kanina ka pa po hinahanap ng Tito mo.”

Nilingon ko ang driver naming si Tatay Benny na mukhang kanina pa nilibot ang palayan kakahanap sakin.

Ngumiti ako sakanya. “Sige po Tay, pasensiya na sa abala, susunod ako sa bahay.”

Tumango naman ito tsaka ngumiti bago umalis. Mukhang pag uusapan na naman namin ang nangyaring pagsunog dito sa farm kahapon. Swerte naman namin at walang nagbalak na umalis sa trabaho kahit may nangyaring sunog kahapon. Malaki na nga talaga siguro ang tiwala ng mga tao dito sa amin. Laking pasalamat ko at pinalaki ako ng magulang ko ng mabuti.

Napabuntong hininga ako. “Sana ay mahanap na namin ang gumawa non. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan niya at ginawa niya 'yon sa palayan namin.”

Tumayo ako at tinahak ang daan palabas para puntahan ang mansion ng mga Archevis. Si papa ay isang Archevis at naninirahan kami sa side ni papa. Talagang mayaman ang mga Archevis dahil kung titignan mo ang mga lupa at ari-arian nila, mamamangha ka talaga. Isa pa, mas marami akong pinsan na Archevis at talagang sikat sila at matunog ang apelyido nila dito sa Dumaguete.

“Coarsie nandito ka na pala, alam mo naman kung para saan ang pag uusapan natin diba?” sabi ni Tito Manuel nang makapasok ako sa mansion nila.

Nasa mid 40s na si Tito Manuel pero parang binata pa rin ito sa pisikal na anyo. Nagseseryoso ito kung kailangan lalo na pagdating sa negosyo. Marami akong natutunan sakanya at hindi maipagkakaila na close kami ni Tito.

“Opo Tito, alam ko pong ako dapat ang mamroblema sa palayan pero tinulungan niyo pa rin kami. Maraming salamat po talaga,” sabay upo sa upuan ng long table sa sala ng mansion.

“Iha alam mo namang malapit ka na sa amin. Tsaka Archevis ka rin, pamilya tayo dito!” sabi ni Tito at tumawa. Napangiti ako at sumang ayon.

“You know our main concern is the health of the workers right?” tumango ako. “We need to tighten the security so that it'll not happen again.”

Tumango ako. “'Yan din po ang nasa isip ko. Buti nga po at hindi sila umalis.”

Nagpatuloy ang usapan at plano namin sa palayan nang nailipat ni Tito ang usapan sa isang bagay.

“By the way iha, pupunta pala dito ang mga Preleur. Hindi ka ba nasabihan ng tatay mo?” sabi ni tito sabay simsim ng tsaa.

Kumunot ang noo ko. “Po? Preleur? Sino po sila?”

Napailing si Tito nang napagtantong hindi nga ako nasabihan ni Papa. “They are a visitor from a big company in Bacolod. The owner and your father were friends since high school, ewan ko nga kung bakit ngayon lang nila naisipang bumisita dito,” nagpatuloy pa si Tito sa pag usap tungkol sa mga “Preleur” pero hindi ako makasabay kaya pilit na lang akong ngumiti at nagpaalam na aalis na dahil baka hinahanap na ako nina mama at papa.

Habang tahak ang dinadaanan papunta sa bahay namin, laman pa rin ng isipan ko ang nangyari kahapon. Paano kung mangyari ulit 'yon? Ano na lang ang gagawin namin? Hindi naman sa maghihirap talaga kami pero hindi pwedeng mawala lang ng basta basta ang palayan namin lalo na't sa akin ipinamana iyon.

Trespasser Of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon