CHAPTER 12

90 6 0
                                    

XIAN GIO [POV]

"M-maye!" Malakas kung sigaw at balak na sana siyang lapitan ng makita ko si via na nasa likuran nito at mabilis na hinawakan sa leeg si maye

"A-Argg!"

Rinig kung nahihirapang sigaw ni maye at pilit tinatanggal ang pag kakasakal ni via dito

"Bitawan mo siya via!" Galit kung sabi at muli sanang lalapit ng ipakita nito sakin ang matutulis niyang kuku na naka tutuk sa bandang tiyan ni maye

"A-anong gagawin mo?" Kinakabahan kung sabi pero nginisian niya lng ako

"Diba ang sabi ko sayo akin ka lang" malungkot nitong sabi

"AHHH!" malakas na nakakakilabot na sigaw ni maye ang narinig ko dahil itinutusok ni via ang matutulis nitong kuku dito.

"W-Wag please via p-pakawalan mo Siya, wag mung saktang ang mag ina ko" nahihirapan kung sabi at nag simulang ng mag si patakan ang mga luha ko

"X-Xian... " Umiiyak na tawag nito sakin

"Maye.. baby" malungkot kung titig sa mata nitong nahihirapan

"Bakit ka ganyan? Bakit siya pa? Pwedi namn ako? Mahal kita gio, mahal na mahal... Pero bakit pinag palit mo ako?" sigaw na sabi ni via at mas diniin ang pag kakasaksak kay maye kaya nataranta ako

"Wag kang lalapit" sigaw nitong sabi kaya napa tigil ako sa akmang pag lapit

Mabilis niyang tinanggal ang pag kakasaksak kay maye at binitawan sa leeg kaya na pa higa si maye sa sahig at napa hawak sa leeg nito, kita ko ang paulit ulit nitong pag hinga ng malalim dahil nahihirapan siyang huminga

"Please via wag mo tung gawin" nag mamakaawa kung sabi pero nginisian niya lang ako

Dahan dahan siyang umatras kay maye na siyang kinata ko

Mag babalak sana akung muling lumapit kay maye ng muling sumigaw si via

"HUWAG KA SABING LALAPIT!" Sigaw nito kaya muli akung na tigilan sa akmang pag lapit kay maye

Narinig ko ang pag kasa ng baril na hawak hawak ni via

"Kung hindi ka naman mapapa sakin, hindi ko hahayaang maging masaya kayo." lumuluha nitong sabi at mabilis itinutok kay maye ang baril

"WAG!... please wag." nag mamakaawa kung turan habang umiiyak na nakaharap sa kanya pero inilingan niya lng ako

Napa tingin ako kay maye na naka titig pala sakin, nginitian niya ako kahit nahihirapan

Ngingitian ko rin sana siya pabalik kahit pilit ng hindi ko matuloy dahil sa umalingagaw na tunog ng baril

Nakita ko ang pag agos ng dugo sa bibig nito at luhang sunod sunod na pumatak sa mata niya at muling ngumiti

"X-Xian..." nahihirapan nitong tawag sa pangalan ko habang sunod sunod na umagos sa bibig ang dugo bago pumikit.

"MAYEEE!!!" umiiyak kung sigaw at mabilis na lumapit sa kanya.


TULala at umiiyak akung nag lalakad habang buhat buhat si maye pabalik sa palasyo

Tungkol kay via patay na siya, pinatay ko siya. Sa subrang galit ko kanina ay hindi ko napagilan ang sarili ko

Pinag pira-piraso ko ang katawan niya bago kunin ang puso at wasakin ito dahilan upang maging abo ang katawan niya

"Anak, Gio!"

Napa tingin ako kay ama ng makita niya ako sa loob ng palasyo

Hindi ko man lng napansin na naka balik na ako sa palasyo ng algonso

"Gio.. apo." tawag sakin ni lolo

Nakita ko ang nag kalat na abo sa sahig siguro iyon ang mga abo ng mga kawal ng algonso

"Anong ginawa mo sa anak ko?" Sigaw na sabi ni algonso pero hindi ko siya pinansin

Dahan dahan kung inalapag ang walang buhay na katawan ni maye sa sahig at tinitigan ang maamo niyang mukha na naka pikit, pinunasan ko ang dugo na nasa labi niya at hinalikan siya sa nuo

"Gio." napa sainghap na sabi ni axcel at ng katabi nitong si kurt pareho silang gulat na gulat na naka titig sakin at sa babaeng nasa sahig.

Napa takip ako ng mukha dahil sa luhang sunod sunod na lumabas roon

Humihikbi akung napa subsub sa leeg ng malamig na katawan ni maye at paulit na paulit na bumubulong roon

"Maha na mahal kita"

"Mahal na Mahal"

"Gumising kana"

"Wag mo akung iwan"

"Mahal kita"

"Maye mahal kita.. mahal na Mahal kaya gumising kana, nag mamakaawa ako."

Paulit ulit kung bulong habang humihikbi

Muli kung inangat ang tingin sa mukha nito sabay kulong ng mag kabila niyang pisngi sa dalawang palad ko.

"Baby... Please wake-up, i-i love.. iloveyou." nang hihina kung sabi habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko sa mag kabila kung mata, nang lalabo na ang paningin ko dahil sa mga tubig na patuloy umaagos, nahihirapan na din akung huminga ng maayos dahil sa sipon na naka bara sa ilong ko.

"Anak." napa tingin ako kay ina na malungkot na naka tingin sakin at umiiyak na din.

"M-Mama si maye t-tulog po" parang bata kung sumbong dito at umiiyak na tinitigan sila

Nakita ko ang sunod na sunod na pag tango ni mama sinasabing 'wag akung mag alala magiging ayos lng ako'

Pero hindi! Hindi yun ang na raramdaman ko

Hinawakan ko ng mahigpit ang malamig na bangkay ni maye at hinalikan siya roon

Alam kung basang basa na ang mukha ko dahil sa luhang ayaw mag paawat sa pag patak sa pisngi ko.

*/Ting-ting

Napa pikit ako ng mariin dahil sa malakas na tunog ng kampana hudyat ng alas 12 na ng gabe ang ika limang araw ng Augusto kung saan gaganapin sana namin ang kanyang kaarawan

"H-Happy birthday maye.. my baby." nahihirapan kung bulong dito at patuloy na umiiyak sa naka hawak kung kamay sa kamay niya.

___________________

One Night with The Hot Vampire ( #01) [Completed]Where stories live. Discover now