CHAPTER 02

132 8 0
                                    

NAgising ako at napa tingin sa puting kisami

"A-Anong nangyari?" Bulung ko sa sarili at dahan dahan umupo sa pag kakahiga

Napa kapit ako kinahihigaan ko tyaka napahawak sa ulo ko dahil muli itung sumakit

Oo nga pala na alala ko nawalan ako ng malay sa cafeteria

"Gising kana pala iha"

Napa tingin ako sa babaeng naka sout ng pang doctor

"Doc. Rose " mahina kung tawag sa babaeng seryusong nasa unahan ko

"Kamusta ang paki ramdam mo?" Tanong nito at dahan dahan lumapit sakin

"Medjo masakit po ang ulo ko pero ok na ako doc" ngiti kung sabi kaya napa tango siya

"Ms. Montel wag kang mabibigla sa sasabihin ko ha? Pero buntis ka iha" deritchu nitong sabi kaya biglang nanlamig ang kamay ko at dahan dahan nawala ang ngiti sa mga labi ko habang nakatingin sa mga mata niyang seryusong nakatitig sakin pero may makikita kang emosyon na parang nag aalala

"P-po?" Gulat kung sabi dito

"Buntis ka kaya makakabuting iwasan mung ma stress o mga bagay na maaring maka epekto sa batang nasa sinapupunan mo" nag aalala nitong sabi kaya napa kagat labi ako

"S-salamat po d-doc" Peking ngiti kung sabi bago dahan dahang umalis sa pag kaka higa at nag lakad paalis ng clinic

'jusq panong nangyari?'

Napa himas ako sa ulo habang nag lalakad sa tabi ng kalsada napalingon ako sa isang pharmacy store

Agad akung nag lakad papunta doon upang bumili ng pregnancy test at para masiguradong buntis nga ba talaga ako

"Ano po yun ma'am" naka ngiting sabi sakin ng tindera, sinuklian ko din ito ng pilit ng ngiti

"Ahmmm pabili po ng p-pregnancy test ate d-dalawa po" nahihiya kung sabi dito kita mo ang pag kagulat nitong mukha kaya alam kuna kung anung iniisip niya

"Para po sa mama ko" pag sisinungaling kung sabi kaya muli siyang napa ngiti at agad binigay ang pinamili ko

"Salamat" ngiti kung sabi sabay yuko bago umalis doon.

Nanghihina akung napa upo sa kinahihigaan ko habang naka tingin sa dalawang perasong pregnancy test na hawak ko

' positive '

Dalawang guhit ang lumabas ibig sabihin butis ako... buntis

"Anong gagawin ko nito?" Naiiyak kung sabi sabay hawak sa sinapupunan ko

"Oh jusq hirap na nga ako sa buhay mangdadamay pa ako ng inosenting tao... ng bata" bulong kung sabi sa sarili at marahang sinabunutan ang buhok ko

"Ang tanga tanga mo mayee!"

Patuloy akung umiiyak sa kwarto ng biglang bumukas ang pintoan kaya napa tayo ako at mabilis tinago sa likuran ko ang dalawang pregnancy test

"T-Tita" kinakabahan kung sabi sabay punas ng mukha gamit ang isang kamay ko habaang yung isa ay nakatago padin sa likuran ko

"Oh anong kadramahan yan maye? Di ba inutusan kita na pag dating mo labhin mo yung maruruming damit sa likuran ng bahay" galit nitong ani kaya napa yuko ako

"P-pasensya na po nakalimotan ko, pupunta na po ako ngayon doon para mag laba" mahina kung sabi

Napa igtag ako dahil sa malakas nitong pag sara ng pinto

"Bilisan mo!!" Sigaw nito sa labas kaya mabilis kung inayos ang sarili ko sabay tago ng dalawang perasong pregnancy test sa ilalim ng higaan ko

Napa tingin ako sa orasan na nasa kwarto ko

9:30 PM

"Siguro mga alas 12 na ako matatapos sa pag lalaba.. Di bali pag tapos kung mag laba tyaka ako mag aaral di baling walang tulog" mahina kung ani sa sarili bago lumabas ng kwarto

"Hayy sa wakas na tapos din" ngiti kung sabi ng matapos kung ma isampay yung mga nilabhan kung subrang dami

Muli akung pumasok sa loob ng bahay at dumiritcho sa kusina upang tignan kung may ulam at kanin pa

Naalala ko kase wala akung kain bago nag laba

Binuksan ko ang kaldero at ref sa kusina Kaso walang lamang ulam at kanin doon

"Akala siguro niya nakakain na ako kaya walang na tira na" bulong ko sa sarili

Napahawak ako sa tiyan ko ng biglang kumulo ito

Nag salin ako ng tubig sa baso bago nag lakad papuntang kwarto

Binuksan ko ang bag ko para kunin ang binili kung Isang biscuit ng isang araw

"Ito muna kakainin natin" mapait kung sabi bago nag simulang kumain at mag aral.

"Congrats ms. Montel ikaw ang naka kuha ng mataas na score sa boung klase" naka ngiting anunsyo ni sir kaya napa ngiti ako

'hayy salamat sa diyos at nakahinga narin ako ng maluwag'

Katatapos lang kase namin mag exam para sa 3rd grading at mabutit nakaka bawi na ako ng matataas kung grado kaya makaka hinga na ako ng maluwag

"Tsss'"

Napa lingon ako kay nica ng marinig ko itung suminghal matapos lumabas ng aming guro

"Papansin ka talaga noh?" Rinig kung sabi niya at masamang naka tingin sakin

"Siguro ginamit mo ang katawan mo para bigyan ka ng mataas na score ni sir " pag huhusga nitong sabi kaya nag bulongan ang mga kaklase ko

"Balita ko buntis ka daw?" Naka ngisi nitong sabi kaya gulat akung napa titig dito

"Akala mo hindi ko alam? Narinig ko ang sinabi sayo nung nurse sa clinic... Di ba buntis ka? So sino ang ama? Sa dami ba naman ng lalaking gumalaw sayo baka hindi muna kilala kung sino sino sila at kung sino ba ang totoong ama niyang bata" naka ngisi nitong sabi kaya maslalong umugong ang bulungan sa boung silid

'isang lalaki lang ang gumalaw sakin at yun ay ang lalaking naka siping ko sa bar.. siya ang naka una sakin... Siya lng yung lalaking gumalaw sakin'

"Oh bakit hindi ka makapag salita, Di ba totoo namn" makahulugan niyang sabi kaya napa kuyom ako ng kamao

"What a slut"

"Yuck ka diri Siya"

"What if si sir pala ang ama ng batang iyan"

"Malay mo si Kevin di ba sabi may nangyari sa kanila"

Mariin akung napa papikit dahil sa naririnig kung sabi nila

"Di ako naniniwalang si kevin ang ama niyan kase ang sabi sakin ng boyfriend ko bago raw niya ginalaw si maye ay hindi na ito virgin.." mariin niyang sabi kaya bigla akung napa tayo

"Bakit ang galing galing mung mang husga ng tao? May ebidinsya ka ba? Sige nga ilabas mo at ipakita samin" matapang kung sabi dito dahil sa galit

"Ang boyfriend ko ang ebidinsya dahil siya ang nag sasabi sakin" matapang rin nitong sagot

"Kahit kailan hindi ako naki pag s*x sa boyfriend mo or should I say ex boyfriend ko? Mandiri Ka nga sa sinasabi mo. Baka ikw itung nag pagalaw sa boyfriend mo! Ano? Ilang besis kayong nag s*x? Masarap ba? Ang dami mung sinasabing hindi makatutuhanan sakin pero ikw naman palang itong gumagawa non " nangagalaiting kung sabi kaya natahimik ang boung klase ganon din si nica na hindi maka paniwala sa sinabi ko.

"Bago ka manghusga tignan mo muna ang sarili mo kung malinis ka, mas marumi ka panga sakin... Mukha ka lng anghel pero laspag kana " nag titimpi kung sabi bago lumabas ng room.

Matagal akung nag titimpi, sabog na sabog na ako sa galit pasalamat siya sa salita ko lang siya nasaktan dahil kung sa physicalan.. kanina pa siya naka humpasay.

_____________

One Night with The Hot Vampire ( #01) [Completed]Where stories live. Discover now