Isang malakas na hindi inaasahang alon ang humampas sa dalampasigan kung saan ako nakatayo, habang pinagmamasdan ang mala-rosas na dagat. Ganoon na lamang ang pag-awang ng bibig ko dahil nabasa ang kalahati ng aking katawan. Shocks! Wala pa naman akong damit na dala. Nang biglang may narinig akong mahinang hagikgik sa aking likuran na ikinalingon ko.
"Love naman eh. Pinagtawanan pa ako," usal kong parang nagmamaktol.
Napatingin ako sa nabasang parte ng aking katawan at napailing. Lumayo na ako sa dagat nang makitang paparating na naman ang malaking alon. Pero gayun na lamang ang pagtili ko nang buhatin ako ni Chalto at sinalubong namin ang malaking alon. Napayakap ako sa kaniya at napapikit nang sabay kaming naligo ni Chalto sa paghampas ng alon.
"Pa'no ba yan? Pareho na tayong basa, Love. C'mon, let's just swim," pag-aya niya.
"Ha? Wala akong ekstrang damit," nag-aalinlangang tugon ko. Kahit na sa loob-loob ko'y gustung-gusto kong matikman ang mala-rosas na dagat na ito.
"Ako rin naman. 'Di ka nag-iisa," aniya. "But don't worry, nagpahanda na ako ng damit for the two of us. So, let's just steal this time while the world is still spinning, the clock is still ticking, and we both are still breathing"
Naglapat ang mga noo naming dalawa and I smiled complacently as he leaned towards to kiss me. And I answered the same demonstration of delicate kiss he's giving me. It was a short, but sweet kiss until he decided to put me down.
He reached for this polo and started to unbutton it. There is no doubt na makisig ang lalaking mahal ko. He has a broad and firm shoulders, lean body with conspicuous abs, plus the fact that he has a stubborn Arabian beauty. Who would ever thought that this man will be mine one day?
I flinched as the cold water splashed over my face. Suddenly, I was brought to mind and I saw Chalto few steps away from me.
"Halika na, Love. Samahan mo na ako rito"
"Okay. Sandali lang"
Umalis ako sa tubig at pumunta sa dalampasigan. Agad na hinubad ko ang aking suot na bestidang puti. Mabuti na lamang at may kamisetang puti ako sa loob at itim na cycling. At kagaya ng sabi niya, we made use of our time together to enjoy swimming, teasing and playing till our hearts' full.
Ito talaga ang isa sa masarap na dahilan kung bakit gustung-gusto ko ang dagat-to watch the relentless hypnotizing beauty of the sunrise and the sunset. Mas masarap nga lang ngayon ang dahilan ng panonood ko, dahil kasama at katabi ko ang lalaking pinakamamahal ko.
"I love you, Chalto, My Cappuccino," I crooned and wrapped my arms around him, while leaning on his shoulder.
"And I love you beyond superlatives, My Latte," tugon niya.
He kissed the top of my head and moved me closer to him until he sat me on his lap.
"Better this way," usal niya.
I smiled at him and then, closed my eyes, feeling his lips brushing my neck.
"Sa tingin mo, Love, kung matanda na tayo, ganito pa rin ba tayo?" I asked out of nowhere.
"Ang alin?"
"Ganito. Yung nakakandong pa rin ako sa'yo. Yung kaya mo pa rin akong buhatin. Sa tingin mo ba, ang ganitong eksena natin ngayon, magagawa pa natin balang araw? "
Huminto siya sa kaniyang ginagawa sa akin at pinaharap ako nito sa kaniya, habang hawak ang aking baba.
"Hangga't mahal kita, ipararamdam ko sa'yo na mahal kita. Hangga't matibay pa ang mga buto ko o kahit marupok na, bubuhatin pa rin kita at ikakandong sa aking mga hita. Hindi ako magbabago. Mamahalin pa rin kita kahit dumating man ang araw na hindi mo na ako mahal. Yan lang ang maihahandog kong pangako sa'yo"
BINABASA MO ANG
Dust in the Diamond
Romance"Paano tayo liligaya kung nakatali ka na sa iba?" Ang pag-ibig, parang isang nakasisilaw na diyamante-nakaaakit, nakatutukso at nakasasala. Lahat ay ninanais na maangkin ito. Ngunit paano kung pagmamay-ari na ng iba ang nais mong maangkin? Hanggan...