Ngayong araw na ito ang alis ni Lolo Clod papuntang Faro Island. Hindi na talaga paaawat sa pag-alis nito si Lolo Clod. Bagaman nalulongkot ako, I'm sure na magbobonding ulit kami soonest Kasalukuyang nasa airport kami—ako, si Chalto at si Ajaxx—para ihatid si Lolo Clod.
"Oh siya, paano ba yan? Mag-ingat na lang kayong tatlo palagi. Alagaan ninyo ang inyong mga sarili.
"Kayo rin po, Lolo Clod. Alagaan niyo ang sarili niyo doon at mag-ingat kayo palagi"
Napayakap ako sa kaniya nang mahigpit and tried to put a smile in my lips the moment I've withdrawn from enfolding him. Niyakap din siya ng dalawa.
"Mag-ingat ka dun, Lo. Balitaan mo na lang kami kapag nakarating ka na," ani Chalto.
"Oo ba. Basta, kayong dalawa, bilis-bilisan niyo ang paggawa ng baby. Sana sa pagbalik ko, may anak na kayo ha?"
I folded my lips as Chalto reached for ny waist and moved it closer to him.
"Makakaasa kayo, Lo. Mamaya rin ay sisimulan na namin"
Bahagya kong siniko si Chalto. He chuckled na sinegundahan naman ni Lolo Clod. Napakagat na lamang ako sa'king pang-ibabang labi. Napipressure ako sa naging pahayag ni Lolo Clod. Hindi ko kasi alam kung kailan ako magiging handa na ibigay ang sarili ko para kay Chalto.
"At ikaw naman Ajaxx, mag-asawa ka na. Sana naman makahanap ka na ng babae na ihaharap mo sa dambana," baling nito kay Ajaxx.
"Sana nga ay pumayag siya, Clodualdo," abg naging tugon ni Ajaxx sa kaniya.
'Imposibleng walang pumayag na magpakasal sa lalaking ito,' sa isip-isip ko habang nakatingin sa kaniya. At kung sino man yang babae na nahanap niya, siya na lang sana ang guluhin niya, huwag na ako.
Dahil hindi naman kami maaaring pumasok sa loob, hinintay na lang naming tatlo na maglaho si Lolo Clod. Makaraang panatag na kaming nasa loob na siya, tsaka namin naisipang umalis na. Chalto and I went home and I do know nothing of Ajaxx and his cruiser's whereabouts.
Pagpasok namin sa loob, medyo nagulat pa kami nang madatnan namin sa loob ang step-sister ni Chalto at ang kaniyang step-mother. Nakaupo silang dalawa sa sala at kung paano ako matahin ng dalawa ay tanggap ko na. Tanggap ko na na hindi nila ako tanggap na mapabilang sa kanilang pamilya no'ng una pa lang. Ganun naman talaga. Minsan, sa buhay nangyayari iyon.
"Anong ginagawa niyong dalawa rito sa pamamahay ko?" bungad ni Chalto na halata namang hindi nagustuhan ang presensya ng step-sister niya at step-mother.
"Bakit ganyan ka, Ijo? Hindi mo man lang bab kami ayaing magkape o ipaghanda ng juice?" tugon ni Tita Krim na bakas sa mukha ang pagkagulat sa inasal ni Chalto.
"Bakit? Wala ba kayong kape o juice sa bahay niyo at pumunta ka pa rito?"
"Chalto!" biglang paghiyaw ni Solein. "H'wag ka namang bastos. Pumunta kami rito nang maayos. Bigyan mo naman kami ng kaunting respeto."
Nakita ko ang pag-igting ng panga sa sinabing iyon ni Solein. Gusto kong magsalita para awatin sila, pero wala akong mahugot na kumpiyansa para gawin iyon.
"Respeto? No'ng inahas ng Mama mo ang Papa ko sa buhay namin ng Mama ko, nirespeto niyo ba kami? Hindi, diba? Namatay ang Mama ko dahil sa inyo. At ngayon, ang kakapal ng mukha ninyong dalawa na pumunta rito sa bahay ko," galit na wika ni Chalto.
"Umalis na kayo bago pa ako mawalan ng ulirat at makaladkad ko kayo palabas"
Ramdam ko ang pagpipigil na ginagawa ni Chalto. Batid ko ang tindi ng galit niya sa dalawang taong nasa harapan namin ngayon. Pero alam ko ring hindi niya sila kayang saktan. I reached him and tried ny best para pakalmahin siya.
BINABASA MO ANG
Dust in the Diamond
Romance"Paano tayo liligaya kung nakatali ka na sa iba?" Ang pag-ibig, parang isang nakasisilaw na diyamante-nakaaakit, nakatutukso at nakasasala. Lahat ay ninanais na maangkin ito. Ngunit paano kung pagmamay-ari na ng iba ang nais mong maangkin? Hanggan...