Chapter Twenty Four
May rosegold balloon na number eight at may backdrop kung saan nakadikit ang mga pictures namin ni Jeff. May cake, box of flowers and chocolates and flower arrangements din. Meron pang note na nakalagay sa card."Behind you..."
Kinabahan tuloy ako. Parang imbis na kiligin ay natakot ako.
Paglingon ko ay naghubad ng helmet ang rider. Si Jeff pala iyon!!!
"Sabi sayo, surpise diba?" Nakangiti niyang sabi.
"Loko-loko ka! Tinakot mo ako dun! Akala ko kikidnapin na ako!" Naaasar kong sinabi sa kanya.
"Wag ka na kasi masyadong magkape, nagiging nerbiyosa ka eh."
Umirap ako sa kanya.
"Wala ba akong kiss? I thought you missed me?"
"Not here, of course!"
Tumawa lang siya.
Ipinasok namin sa loob ng bahay ang mga regalo niya. Napataon naman na ako lang ang tao sa bahay kasama sina Ate Roda at Nanay Irma.
"May business trip sina Daddy eh. Sila Kuya naman, nasa school."
"So, solo kita ngayon?"
"Don't you ever-"
"Solo, I mean... Pwede kitang yayain na lumabas."
"I hate your lame jokes!"
Tumawa lang siya. "Magprepare ka na. Magbibihis lang din ako." Nagdala daw kasi siya ng pamalit.
"Okay."
Pumunta lang naman kami sa condo niya sa Katipunan. Medyo naiilang pa ako dahil hindi naman ako sanay na kami lang ang magkasama dito. Madalas kasi naming kasama sila Eila at Maui. Pero iba ngayon.
"Nasaan na yung kiss ko?" Tanong ni Jeff. Yakap niya ako mula sa likuran ko.
"Nope! May kasalanan ka pa e."
"What's that pala?"
"Hindi ka kaagad nagpakilala."
"Surprise nga di'ba?"
"Alam mo naman na ayaw ko ng ganun."
"You mean, hindi mo nagustuhan?"
"Hindi naman. Pinakaba mo lang ako ng very light." Tumawa siya nung nilagyan ko pa ng sign kung gaano kalaki yung kaba ko.
"No more coffee for you, Ms. Yuchengco."
"Edi Milk Tea na lang?"
"Nope! May caffeine pa din yun."
"Softdrinks?"
"Nope!"
"Hindi mo naman malalaman kung kailan ako iinom nun."
"You bet, I will. Pavi-videohan ko pa!"
"No way! Not Eila!"
Tumawa lang siya. Tumunog na yung microwave kaya kinuha niya na yung popcorn at nilagay sa malaking bowl. Mukhang magbi-binge watch kami ng movies ngayon.
Nakaupo kami sa kama since sa kwarto niya kami nanood. Nakatuwid ang paa niya at nakasandal siya sa headboard ng kama while ako naman ay naka-indian sit. Pinanood namin ang Ocean's 8 movie nila Anne Hathaway, Julia Roberts, Rihanna, etc. Alam niya talaga ang type ng movies ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/333092456-288-k890300.jpg)