Chapter 63

27.2K 517 14
                                    

Order my published books at WARRANJ SUAREZ MONASTERIO on Facebook.

Please expect slow updates. For early access, you may subscribe on my VIP Group or on Patreon.

Few chapters left for The Devil's Touch. Epilogue and special chapters are available exclusively for VIPs and Patreon subscribers.


Chapter 63

Walang nakapagsalita ni isa sa amin matapos ang naging tawag na 'yon. Palaisipan sa amin, lalo na sa akin, kung sino ang taong kausap ni Ethan.

"Anong kailangan niya kay Fatima?" tanong ni Kuya Caspian.

Ethan was silent. Halatang malalim ang iniisip. Ako man ay hindi na rin makagalaw sa kinauupuan ko. My heart was beating wild as my palms started to feel cold and sweaty.

Wala akong kaaway. O, kami ni Ethan. Kung mayroon man, nasa ilalim na ng hukay. Imposibleng buhay siya. Hindi ba at dinala kami ni Oliver sa puntod niya bago kami bumalik ng Pinas noon?

"We can't waste any time now that your mother is in danger, Ethan." matigas ang boses na saad ni Papa Samael.

Nilingon ko siya at matalim na nakamasid sa kung saan. The danger in his eyes was leaving me breathless. He even cracked his knuckles as if those hands were already dying to hurt whoever dared to hurt his wife.

Mula sa pagkakatuon ng mga siko sa ibabaw ng hita niya, inihilamos ni Ethan ang palad sa mukha at nanatili sa ganoong posisyon.

"Do you think it's Oliver?" tanong niya at bininalingan ako ng tingin.

Kumunot ang noo ko, hindi kaagad nakasagot. Aaminin kong pumasok na rin sa isip ko si Oliver pero may kung anong may pumipigil sa akin na paniwlaaang may kinalaman siya.

Naniniwala akong mabuti siyang tao. Hindi ba at humarap pa siya kina Papa Samael at Mama Chloe para humingi ng tawad? Pakitang tao lang ba ang lahat ng 'yon?

Kung gusto niya akong gawan ng masama, bakit ngayon pa kung kailan napapalibutan ako ng mga taong handa akong protektahan? Bakit hindi noon na solo niya ako at malayang gawan ng hindi maganda? Iyong walang makakaalam.

"Hindi ko alam, Ethan. Hindi ko maramdaman na si Oliver." amin ko.

Huminga siya nang malalim, tila nauubusan na ng pasensiya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at tumayo.

"Wala pa bang text kung saan pupuntahan si Mommy, Ethan?" tanong ni Ate Embry na patuloy sa pag-iyak.

Narito pa rin kasama namin ang mga awtoridad. Sina Sir Raphael ay abala sa pakikipag-usap sa cell phone. Si Tito Gabriel ay nakatutok sa laptop at tila may inaaral.

Umiling si Ethan. "Wala pa."

"Why is he taking so long to send it? Kailangan na mapuntahan si Mommy! Baka kung ano nang nangyayari sa kaniya. Maybe you can locate the number and don't wait for his message anymore-"

"Calm down, ate! I'm still thinking of a better way to solve this. Hindi tayo puwede magpadalos dalos. Hindi lang ang buhay ni Mama ang nakasalalay dito. Buhay rin ng asawa ko!"

Tumungo ako, napapikit nang mariin. Ate Embry fell in silence and I hate that I am the reason why this is happening. Kinuha si Mama Chloe dahil sa akin. Sa hindi malamang dahilan.

"I know, I'm sorry. I just don't know what to think right now," saad ni Ate Embry sa basag na boses. "I'm sorry, Fatima."

I opened my eyes and looked at her. Malungkot akong ngumiti sa kaniya.

"Handa akong puntahan kung nasaan man sila, Ate Embry. Ibigay lang nila si Mama Chloe sa inyo. Hindi ako magdadalawang isip."

Muli siyang umiyak. Nang tingnan ko si Ethan ay titig na titig siya sa akin, matalim ang mga mata. Umiling siya bago nag-iwas ng tingin at mariing nagmura.

Suarez Empire Series 3: Ethan Samael (The Devil's Touch)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon