Simula

71 35 101
                                    

I greatly appreciate it if everybody would stop from spoiling new readers, thank you! Enjoy reading.

--------;

Prologue

Maze


Hinawakan niya ang kamay ko at sabay naming tinahak ang mahabang dalampasigan ng isang kumikinang na dagat. Hindi ko maiwasang ngumiti nang hagkan niya ng isang malambot na halik ang aking palad.


Kahit hindi klaro sa aking paningin ang mukha niya ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal na ibinibigay niya sa akin. Mula sa aking kanang kamay ay marahan kong pinagmasdan at inamoy ang palumpon ng mga pulang rosas na ibinigay niya sa akin.


It's our fifth monthsary together, and he surprised me with my favorite bouquet of flowers. Alam na alam niya talaga kung paano o ano ang magpapangiti sa akin. I will never get tired of praying that he will be with me for the rest of my life. Sana siya na hanggang sa dulo kahit na ang lahat ng ito ay panaginip lamang.


Nagising ako nang tumunog ang alarm ko, hudyat na alas sais na ng umaga. At kailangan ko nang maghanda para sa pagpasok sapagkat lunes na naman.


Hindi na bago sa akin ang ganitong klase ng panaginip. I love to dream about this kind of thing, it gives me a thrilling sensation. Lalo na't kapag wala kang kasintahan ay aabot talaga ang ngiti mo kung nanaginip ka nang may humahawak sa kamay at nagbibigay sayo ng bulaklak. Lahat ng aking napapanaginipan ay naaalala ko kung kaya't todo ang ngiti ko tuwing magigising.


Bumaba ako mula sa ikalawang palapag ng aming bahay na handa na. Tapos na akong maligo at ngayong naka-uniporme na habang sakbit-sakbit sa aking likod ang bag.


"Good morning, people of the philippines!" Magiliw kong bati nang masilayang abala ang aking pamilya sa hapagkainan.


Hindi na nila ako nagawang hintayin sapagkat alam nilang ayaw kong maistorbo sa aking pagligo. Umupo ako sa kabisera at ininom ang nakahanda ng gatas para sa akin.


Hinagkan ako ng halik ni Mama sa aking pisngi bago sumunod si Papa at ang nakababatang kong kapatid na lalaki, si Romeo. Hindi ko ba alam kung bakit masyadong matamis ang aking pamilya. Para saan ba ang halik nila sa pisngi?


"Ito na ang baon mo para mamayang tanghalian, Maze. Ubusin mo at huwag magtira, ha?" Tumango ako habang nginunguya ang pagkain sa aking bibig.


Pagkatapos ko ring kumain ay agad akong nagpaalam sa kanila na aalis na. Kasabay kong pumasok si Romeo sapagkat iisang paaralan lamang ang pinapasukan namin. Siya ay nasa ika-limang baitang pa lamang habang ako ay nasa senior high na.


Nang nasa gate na kami ng Catanauan Central School ay naghiwalay na kami ng daan sapagkat nasa ibang lugar ang gusali nila. Sumalubong sa akin ang kaibigan kong si Ivy at Julia nang makita na nila akong papasok sa loob ng silid-aralan.


"Maze, inom tayo after class!" Hindi nahihiyang sigaw ni Ivy.


"Hindi ako papayagan ng magulang ko..." Sabay upo sa aking tamang upuan.


"Pagpapaalam ka namin." si Julia.

Who am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon