Chapter 8
Grace
Saglit siyang natahimik hanggang sa bumalik sa kulay berde ang stoplight kung kaya't hindi niya nasagot ang tanong ko. My brows creased even more whenever he tried to avoid my gazes.
May mali ba sa tinanong ko? O mali ba na nagtanong pa ako? Baka naman kasi hindi talaga ang bahay namin ang sadya niya, nagkataon lamang na nakita ko siya.
Siguro nga.
I didn't even ask him why he knew the address of our house... baka mas lalo lamang siyang mailang sa sitwasyon namin ngayon. Agad niya akong pinag-buksan ng pintuan at inalalayan upang makababa. Nagpasalamat naman ako sa kaniya.
"Sorry, I-I secretly followed you that day after you left at Julia's wake. I can't help but be worried after hearing what happened between you and Ivy. I-I'm sorry..."
Nakayuko niyang sambit nang makababa ako.
If that was his reason, does that mean... he knows that I followed Ivy?
"Andoon ka? Hindi kita nakita."
Sumunod siya sa akin hanggang sa marating namin ang bukana ng aming gate.
"I came late, and didn't bother to approach you as I know it will only create a scene. I have heard what they did to you... I'm also sorry I wasn't there, pero andito na ako ngayon."
Sandaling nagtama ang tingin namin, ngunit mabilis akong umiwas. Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko mapigilan ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso! Even earlier, when we were eating, every time Pablo put more food into my plate, my heartbeat sounded unusual.
Ang weird!
"A-Ayos lang 'yon. Ahh... Ano mauna na ako, ingat ka!"
Kahit may gusto pa siyang sabihin sa akin ay mas pinili kong pumasok na agad sa loob. Hindi niya pwedeng mahalatang kinakabahan na ako sa presensya niya lalo na tuwing lumalapit siya o kung may sasabihin man siyang kakaiba.
"Good night, Mazarine!"
Huli kong narinig sa kaniya bago ko saraduhan ang aming pintuan. Kung ano man itong nararamdaman ko ngayon... ay hindi maaari! Hindi ko siya pwedeng magustuhan. Lalabas na totoong inagawa ko nga siya kay Julia. Tiyak na mas dadami ang magagalit at manglalait sa akin! Ayaw ko ng maging sentro ng usapan sa buong eskwelahan.
Gusto ko lang ng tahimik na buhay!
Ibig ko bang sabihin ay naging masama ang paglapit ko kay Pablo? Hindi naman siguro sapagkat pagkakaibigan lang ang nais ko.
Right, we're just friends and nothing more.
BINABASA MO ANG
Who am I?
Mystery / ThrillerBook Two of WWW Mysteries. Completed. Enjoy reading, everyone! Mazarine "Maze" Noella is a typical high-school student in a rural place somewhere in Quezon. She loves to dream. She always dreams of her prince charming, until one day, and then the ne...