Dear Ms. Perez,
I would like to congratulate you and your production team for your awesome final project. I have watched your 30-minute TV drama and I was amazed at how your storyline had moved me. It has something that I haven't seen from my students for years. Thank you for that.
Please send my congratulations to Mr. Permejo for the well-executed editing and aftereffects I have seen on your output. The audio and videos were properly edited, adding value to the story itself. Also, kindly send my good words to Ms. Cruz and Ms. Angara for playing the roles effectively. I didn't know that they have the talent in acting! Clearly, you have picked the best actors for this project! Very good makeup and prosthetics done by Ms. Dimayuga, by the way. Her talent, I believe, will also bring her to places! To Ms. Villanueva, I applaud her for co-writing the script very well. As I've mentioned, the storyline has something that is worth watching on a national television. Looking forward to seeing your story on the big screen someday.
Lastly, I would like to commend you as the co-writer and director of the group. You have the eye for a good story, Ms. Perez! I knew that you're very capable of leading your classmates. Keep it up!
All in all, I applaud you guys for a job well done! I know that you've put so much of your effort, time, talents, and skills in this project, and with that, you all deserve to have 1.0 as your final grade for my subject.
I'll see you next sem and congratulations again! Enjoy your break!
Sincerely,
Ricky
GUSTO kong tumili. Kaso barado at garalgal pa ang lalamunan ko dahil literal na kamumulat pa lang ng mga mata ko. Ang e-mail mula kay Prof. Ricky ang bumungad sa akin nang kapain ko ang cell phone ko sa maliit na mesa katabi ng kama ko.
Alam kong hindi ako nananaginip dahil ramdam ko ang nginig sa kamay ko. Patuloy pa rin kasi sa pag-vibrate ang phone ko kasabay ng malakas na tunog ng alarm na hindi ko napatay agad. Nakatitig pa rin kasi ako sa e-mail, lalo na sa last part.
You all deserve to have 1.0 as your final grade for my subject.
10...9...8...7...6...
"Aaaaah!" 'Ayun na! Nag-sink in na! Nailabas ko na rin ang pigil kong tili kanina. Lord, thank you! Parang gusto kong maiyak kahit puno pa ng muta ang mga mata ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at tumili pa nang isang beses. Good morning, Lord! Hihirit pa sana ako ng isa pang OA na tili nang may narinig akong katok mula sa pinto. Hala, abot yata hanggang baba ang sigaw ko.
Ang totoo, hindi naman ako kinabahan dahil masyadong lunod ang puso ko sa tuwa ngayong umaga.
Hindi kaagad ako nakakilos at tatlong mabibilis na katok pa ang sumunod sabay sabing, "Sandra, ano ba 'yan? Ang aga-aga, tili ka nang tili diyan!" si Mommy.
"Maaaa..." Hindi ko na talaga napigilan. Bumangon na ako mula sa kama at tumayo para pagbuksan siya ng pinto.
Mukhang hindi na siya nagulat nang buksan ko ito habang may malapad na ngiti sa mukha. Alam niya na sigurong may magandang balita akong gustong sabihin dahil ganoon ang tono ng pagtawag ko sa kanya.
"Ano ba kasi 'yon?" May pagkairita na sa boses ng nanay ko pero hindi maitatago sa mga mata niya na interesado rin siyang malaman ang dahilan ng pagtititili ko.
"Eh kasi, si Prof. Ricky... Basahin mo." Tinamad na akong magpaliwanag dahil masyado yata akong lutang sa saya, kaya inabot ko na lang sa kanya ang cell phone ko na kaagad niya namang kinuha at binasa.
BINABASA MO ANG
Euphoria /you•for•eia/
Storie d'amore/you•for•eia/ n. anything or anyone who makes you smile or happy or excited or confident or fall in love-deeply, slowly, and then all of a sudden. DISCLAIMER: This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incident...