MABILIS ang tulin ng sinasakyan ko ngayon. Suwerte dahil natapat ako sa tren na hindi sira ang air condition. At suwerte dahil kahit from point to point ang biyahe ko, hindi pa naman nasisiraan sa gitna ng riles. Pero sa dinami-rami ng billboard na nakikita ko ngayon sa EDSA tungkol sa pagpapaganda, may isang tanong na bumabagabag sa isip ko: Paano ba mapanatili ang freshness matapos mong sumakay ng MRT? 'Yong tipong hindi ka lapot? Tipong hindi ka mukhang nakipagdigma, at hindi ka amoy-mandirigma paglabas mo? Paano 'yon? May life hack bang makikita sa Google no'n?
Nakapapagod na nga ang shooting ngayong araw dahil naka-ilang take kami kay Clarissa para sa isang horror scene, ito pa ang eksena sa biyahe ko pag-uwi. Lord, ginalingan ko naman po ang pagdi-direk kanina kahit na medyo nagsungit ako sa mga kaklase ko, pero bakit kailangang langhap ko ang buong pagkatao ng katabi ko ngayon sa tren? Parusa po ba ito?
Finals week ngayon. That only means, hell week ngayon. And that means, stress ang breakfast at haggardness ang dinner ngayon. Wala na munang lunch dahil rush ang lahat ng ginagawa ng buong block namin para lang ma-meet ang deadlines. Kaliwa't kanang TV at film productions dahil matatapos na ang first sem ng fourth year. 'Yon na lang lagi ang iniisip ko para ma-motivate ako: Last week na ng first sem ng last year ko sa college. After no'n, konting tumbling na lang sa second sem tapos graduation na. Deadma na muna ang haggardness ngayon. After nitong week na 'to, magpapaluto talaga ako kay Daddy ng paborito kong pork steak!
Sa pag-iisip ko ng masarap na ulam na alam kong naghihintay sa akin sa bahay, naka-survive naman ako para hindi na masyadong mapansin ang sama ng amoy sa tren. Arriving at Shaw Boulevard Station. Talagang napa-thank you, Lord ako nang marinig iyon. At maya-maya nga lang ay nakababa na ako ng train station para sumakay naman ng jeep pauwi.
Mapalad pa rin ako sa araw na ito dahil mas maaga akong nakarating sa bahay kaysa sa inaasahan. Natuwa si Daddy dahil mabuti raw at makatutulong ako sa pagliligpit ng mga gamit namin.
"Oh, baby, maiigi at maaga ang uwi mo. Tulungan mo nga si Mommy mo na ilagay sa sako lahat ng picture frames niyo," si Daddy Lito. Baby ang tawag niya sa akin simula pagkabata, kahit hanggang ngayon na magna-nineteen years old na ako. Hindi naman ako nahihiya. Actually, natutuwa nga ako eh, kasi feeling ko, ako talaga ang bunso sa pamilya. Well, ako naman talaga dahil dalawa lang naman kami ni Kuya EJ.
Halatang kanina pa nagliligpit ng mga gamit si Daddy dahil basang-basa na ng pawis ang sando niya. Tagaktak na rin ang pawis sa noo sa kababaklas ng mga turnilyo sa bracket ng TV na nakasabit sa wall. Malapit na kasi kaming lumipat ng bahay. Nagre-renta lang kasi kami, at ngayon na gustong ipa-renovate ng may-ari ang bahay, mapipilitan tuloy kaming mangupahan sa iba. Pansamantala lang naman daw sabi no'ng may-ari, babalik din kami pagkatapos ng renovation.
Kung hell week sa school ngayon, haggard week din ngayon sa bahay.
"Nasaan ba si Mommy, Dy?" tanong ko sa may pinto habang nagtatanggal ng sapatos.
"Nasa itaas. Akyatin mo nga at kanina pa 'yon nandoon."
Hindi na ako sumagot. Alam kong ayaw ni Daddy na kinakausap siya kapag may importanteng ginagawa. Kaya maingat na lang akong humakbang sa mga nakaharang na upuan at lamesa sa gitna at dere-deretsong umakyat sa hagdan.
Ang kalat ng buong second floor. Ay, hindi pala. Magulo. Sobra. Limang malalaking sako ang nakita kong nakahilera malapit sa pinto ng kuwarto namin. Hindi ako sigurado kung kalat ang mga iyon o mga gamit namin. May mga nakasabit kung saan-saan, may mga nakakalat na basahan. Tumingala ako. Napansin kong wala na 'yong mga picture frame namin sa dingding. Pati mga certificate ko sa school, hindi na rin nakasabit. Ah, nailigpit na ni Mommy.
BINABASA MO ANG
Euphoria /you•for•eia/
Romance/you•for•eia/ n. anything or anyone who makes you smile or happy or excited or confident or fall in love-deeply, slowly, and then all of a sudden. DISCLAIMER: This book is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incident...