Kabanata 9

207 17 0
                                    

Kabanata 9

KINABUKASAN ay maaga pa rin siyang nagising dahil hindi naman siya nakatulog ng maayos. Panay kasi ang pagwasiwas niya sa mga lamok. Panay din ang pagkalmot niya sa kanyang mga braso at binti.

Nang magising din siya ay wala na sa tabi niya si Gabrielle.

Bumangon na siya at lumabas ng kuwarto. Pumanaog siya sa hagdan habang panay pa rin ang kanyang pagkakamot sa magkabila niyang braso.

"Magandang umaga, Kathleen. Maayos ba ang naging tulog mo?" bati sa kanya ni Aling Susana. May dala itong bayong at mukhang kagagaling lang nito sa pamamalengke.

"Maayos naman po," sagot niya pero ayaw pa rin niyang tumigil sa pagkamot ng kanyang mga braso.

"Teka nga, ano ba nangyari riyan sa mga braso mo?" ani Aling Susana habang inuusisa ang kanyang mga braso.

"Diyos ko! Ang dami mong kagat ng lamok. Hindi ba kayo nagkulambo ni Gabrielle kagabi?"

Mabilis naman siyang umiling.

"Teka nga't ikukuha kita ng lana sa kuwarto ko."

"'Nay, huwag na po," agad niyang pigil.

Pumasok naman si Gabrielle na may dalang isang malaking container na may lamang tubig.

"Gabrielle, ikaw talagang bata ka. Hinayaan mo itong si Kathleen na pagpiyestahan ng lamok kagabi. Alam mo namang hindi pa ito sanay dito," ani Aling Susana.

Gabrielle look at her in a plain emotion. Lumapit ito sa kanya at inusisa ang mga braso niya.

Pagkatapos niyon ay hinila siya ni Gabrielle palabas ng bahay. Tinungo nila ang sasakyan nito at binuksan ito. Pagkatapos ay may kinuha ito sa loob. Walang sabi-sabi rin naman nitong inabot sa kanya ang isang anti mosquito lotion at isang ointment para sa kagat ng lamok.

"Use that. I hardly forgot, maarte pala ang kasama ko," sarkasmo pa nitong ani.

"What!? Hindi ako maarte! Marami lang talagang lamok kagabi! Baka naman kasi balat kalabaw ka kaya hindi ka tinablan kagabi," inis niyang ani at tinalikuran na ito.

Bumalik siya sa bahay at pumasok sa loob. Umakyat siya sa itaas at kumuha siya ng tuwalya. Kinuha niya rin ang kanyang hygiene kit. Mabuti na lang din at may ipinadala ang katulong niya. Dahil kung wala, siguradong mamomroblema na naman siya. Mahirap pa naman pakiusapan si Gabrielle.

Lumabas na siya ng kuwarto at bumaba sa hagdan. Muli niya namang nakasalubong si Aling Susana.

"'Nay, saan po ba puwedeng maligo rito?" tanong niya pa.

"Ay doon sa likod anak. May fresh water doon at panay ang agos ng tubig doon. Saka presko pa sa katawan ang tubig. Halika at sasamahan kita," nakangiting wika ni Aling Susana sa kanya.

Umuna na ito sa paglabas ng bahay. Sumunod lang din naman siya at umikot sila sa likod. Sa may hindi kalayuan ay agad niyang nakita ang sinasabing flowing water na tinutukoy ni Aling Susana.

"Diyan Kathleen," turo pa nito sa kanya.

"Salamat po," tipid niyang sagot.

"Oh, siya? Iwan na muna kita dahil magluluto pa ako ng agahan natin. Sasabihin ko na lang kay Gabrielle na narito ka."

Tumango lamang siya kay Aling Susana. Nang wala na ito ay agad din naman siyang naghubad ng kanyang damit. What's only left was her pair red bikini.

Bahagya niya pang inilapit ang kamay niya sa tubig. Sobrang na amaze siya rito at first time niyang makakita ng ganitong klase ng paliguan. Well, she's workaholic and she don't have time traveling because her schedules are very hectic.

OUR ENTWINED LUSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon