Kabanata 10

252 20 0
                                    

Kabanata 10

NANG makarating sila sa bayan ay halos mapangiwi si Kathleen dahil sa dami ng tao na nakikita niya.

"What's with that face? Nag-iinarte ka na naman ba?" baling sa kanya ni Gabrielle matapos nitong patayin ang makina ng sasakyan.

"I'm not! Masiyado ka talagang judgemental! Nagulat lang ako kasi akala ko sobrang liblib ng lugar ninyo, kasi ang lalayo ba naman ng mga bahay. Tapos makikita ko rito, dami naman pa lang tao," sagot niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa mga taong busy sa kani-kanilang mga buhay.

"You're just ignorant," nakasimangot pang kumento ni Gabrielle sa kanya. She squinted and rolled her eyes on him. And before she could react, he immediately went outside of the car. Inis na lamang siyang napabuntong-hininga.

Lumabas na rin siya ng sasakyan. Hinanap niya si Gabrielle at ganoon na lang ang gulat niya dahil nasa likod na pala niya ito.

"Damn it!" mahinang mura niya habang sapo ang kanyang kaliwang dibdib.

"Iwasan mo magkape. Masiyado kang nerbiyoso," ani Gabrielle sabay simangot sa kanya ulit. Inis naman siyang napapadyak ng kanyang mga paa.

Natigilan naman siya nang hawakan ni Gabrielle ang kanyang kamay at hinila na siya nito papasok sa palengke.

While walking straight to the market. She can't stop staring at her hand being held by a man. It was her first time and she kind of felt weird, yet warm.

"Look where you are going Kathleen," ani Gabrielle kaya nag-angat siya nang tingin dito. Hindi siya kumibo at nagpatuloy na ito sa paglakad habang hila-hila siya.

"Ano ba bibilhin mo?" usisa niya rito.

"Solar panels," tipid nitong sagot.

"Bakit kailangan mo pa niyan? May kuryente naman sa inyo, 'di ba?"

"There's not. We use solar panels and it broke last night."

"Akala ko talaga may kuryente kayo. Bakit hindi kayo nagpakabit?"

"Actually, we did. But I temporarily asked the lineman to cut the supply."

Agad naman na kumunot ang kanyang noo.

"Ha? Bakit?"

"For you not to be able to whine on me using your gadgets," ani

Gabrielle sabay ismid sa kanya.
Nang dahil sa sinabi nito ay bigla siyang nainis at binawi ang kanyang kamay. Hindi naman ito nag-react at tinalikuran na siya nito. Naglakad na ito at inis naman siyang sumunod lang dito.

Hanggang umabot sila sa isang hardware. Gabrielle talked immediately to one of the sales lady. While waiting for Gabrielle, a store with so many good things to buy, took her attention. Lumapit siya sa tindahan na iyon at tumingin-tingin sa mga paninda ng tindahan.

"May gusto kang bilhin?" biglang sulpot ni Gabrielle sa kanyang likuran.

"Marami at walang kang pera na binibigay sa akin," masungit niya namang sagot.

Gabrielle rolled his eyes on her and took a one thousand bill on his pocket. Mabilis din naman nitong inabot sa kanya ang pera. Excited naman siyang kinuha ito at agad na pumuli ng mga gusto niya.

Bumili siya ng sandals at dalawang bestida. Ibinili niya rin ng damit si Aling Susana. Pagkatapos niyon ay bumalik siya sa katabing hardware. Ngunit agad na kumunot ang noo niya dahil wala na roon si Gabrielle.

Mahigpit siyang napahawak sa supot na dala niya at sa sobrang pera na nasa kanyang kaliwang kamay.

"Now where the hell is he!?" inis niyang bulalas sa kawalan.
Ngunit bigla niyang naalala. They bet for a game and this is her chance to escape. Mabilis siyang napaatras at agad siyang nagtanong-tanong kung saan puwede sumakay. Pinagtuturo siya sa kung saan-saan hanggang sa marating niya ang terminal ng mga bus.

OUR ENTWINED LUSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon