____________________
Z I A C L A R I C E B E L L E Z A
I thought magkakaroon ng kami ng communication after that day. Turns out wala pa rin.
Pero nagchat sa'kin tropa niya mga 5 days after ng defense namin.
Charlie Josh Gatus
Hi po
Hi??
Kayo po ba yung may gusto kay Jace?
Ewan
Hindi siguro
Ahh, sige po
__________________________
"'yun lang?!" Bigla akong napaupo sa kama ko sa last chat niya. Like what the heck? Nabitin ako.
Pagpasok ko sa school kinabukasan ay hindi ko alam at may pagkalutang ako.
Noong magbabayad ako sa jeep, imbis na yung pera yung ibigay ko ay yung cellphone ko ang nabigay ko. Tapos muntik pa ko lumagpas sa pagbababaan ko. Late na kasi ako natulog kagabi eh.
Naglalakad na 'ko papuntang building namin, lumingon ako saglit doon sa lalaki na makakasalubong ko sa paglalakad.
Nanlaki mata ko nang makita na si Jace iyon. Agad akong lumihis ng tingin at lumingon sa kabilang side.
Nakita ko yung mga tropa niya na natawa habang tinuturo siya, at the same time nakatingin sa'kin.
'Tanginang mga 'to'
Habang papunta ng room ay nakangiti ako na halos aabot na ng aking tainga sa aking sobrang kilig.
Agad 'kong pinatong ang aking ulo sa aking lamesa at tumili ng mahina.
'Ang pogi niya talaga! Pati paglakad niya tapos yung mga mata niya pa'
Nasa good mood ako ngayon kaya naman panay sagot ako sa recitations ngayon. Iba talaga ang effect kapag inspired.
Lunch time na at bababa kami ni Amy para bumili ng food sa canteen.
Nagku-kwento ako sa kanya ng tungkol sa groupings sa Mathematics nang makita ko siya kasama tropa niya na papunta rin na canteen.
Hindi ko ito pinansin at naglakad na parang walang nakita pero habang nagku-kwento kay Amy ay nakangiti na ako.
Nauuna kaming maglakad sa kanila dahil mas malapit ang exit ng building namin kaysa sa kanila. Napansin ko na nakita na nila kami kaya naman nag-isip ako ng paraan upang makapagpapansin.
"Ano kaya itsura ni Ma'am Nieves na natatae?" Tumawa kami pareho ng malakas dahil ang topic namin sa Science noong nakaraan ay may connection sa mga waste materials ng tae kaya napakwento si Ma'am ng kaniyang karanasan.
YOU ARE READING
Fallen
Short StoryZia, a hopeless romantic who simply used Joshua to get over her previous romance but unknowingly got affections. She got caught up in an awkward situation with him and wanted it to stop but fate is really something. How will she handle it or rather...