Chapter 1

74 4 4
                                    

First day of my college life. And the advice they gave me, just go with the flow.

Many people are around here, sa entrance pa lang ay grabe na, parang hindi ko kakayanin na makipag-unahan na pumasok sa kanila.

Anyways, this is it. Ginusto ko 'to, panindigan ko dapat. Hindi ako tumatakbo sa responsibilidad bilang isang mamamayan. Char.

Agad ko na nga itinapak ang aking paa sa loob ng unibersidad. Isang malakas na ihip ng hangin ang bumungad sa akin. Jusko, pinapauwi na agad ako ng kaba ko.

"Hi!"

Nilingon ko kung saan nanggaling ang isang matinis na boses.

"Sino ka?" Tanong ko.

"Tori! si Raquel 'to. Raquel Faelynn Buencamino, classmates tayo last year. Dito ka rin pala nag-enrol." Obvious ba?

Madaldal ang isang 'to, gusto ko siya.

"Friends?" ani ko sabay abot sa kanang kamay ko at humihingi ng shake hands.

"Wow! seryoso ba inaalok mo ako na maging kaibigan mo?"

"Ayaw mo?" pananakot ko at akmang aalisin na ang kamay sa harap niya nang kunin ito.

"Isang karangalan. Alam mo ba takot akong kausapin ka noon kasi akala ko nangangain ka, joke lang! Pero seryoso, kasi kayo ng mga kaibigan mo ang maingay sa classroom." Sumobra naman pala sa ingay 'to.

"Tara na. Saan ang classroom mo? ano bang course mo?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

"Teka lang naman, na i-starstruck pa ako sa'yo, eh. BS Nursing ako, ikaw ba?"

"Same." Matipid kong sagot.

"Ay cold person ba ang atake mo ngayong taon? hind ikaw 'yan! Hindi ka ganyan noong senior tayo."

My lips formed into thin smile, "please, tara na."

"Ito na nga, eh. So bakit nursing?" Tanong na naman niya.

"Trip ko lang."

"Ganda ng trip mo ah! Gusto mo patayin sarili mo?" Tumango nalang ako rito.

Sana pala hindi ko na siya in-entertain kanina. Saan na kaya ang mga true friends ko?

Sina Jaszney at Reese ang tinutukoy niya na mga kaibigan ko noong senior, at hanggang ngayon.

Ang kaso nga lang ay magkakaiba kami ng mga kurso na tinahak, kaya may hindi kalayuan ang mga bawat lugar namin sa unibersidad na ito.

Pero kaya namin 'to, iyong LDR nga minsan na naming nakaya.

Sa med field building kami dumiretso ni Raquel. Kapag sinuswerte nga naman siya, magka-block kami sa halos lahat ng subjects namin.

Sa third floor pa ang silid namin.

We used the staircase. Pagdating namin sa floor ay agad siyang nauna sa akin at lumapit sa pintuan.

Pinagbuksan pa niya ako at ibinuka ang buong bisig na akala mo ay isa akong kamahalan.

"Ano ba," nahihiyang bulong ko rito dahil may karamihan na ang nasa loob ng silid.

Sa second row kami naupo at pinipilit na mag one-sit apart kaming dalawa.

Habang wala pa ang prof ay panay ang kwento nitong katabi ko. Wala na bang ibang papasok sa silid na 'to para iba naman ang dumaldal sa akin.

Hindi ba 'to napapagod?

Parang tinupad nga ang hiling ko, dahil mayroong isang singkit na babae ang niluwa ng pintuan.

YL1: Fragments of UsWhere stories live. Discover now