Palayaw

10 0 0
                                    

Paano natin nagagawang tumawa sa mga bagay na hindi tayo naging? 

Pagtapos ng isang semestre sa kolehiyo 'di ko na alam kung paano magpapatuloy, napagpasiyahan kong tumigil muna at hanapin kung sino ba talaga ako. 

Wala akong partikular na talento, isa akong jack of all trades. marunong magsulat. marunong tumugtog ng mga intsrumento, nakakapaglaro ng sports, billiards at volleyball.  

Sabi ng nanay ko magaling naman daw ako sa computer kaya IT nalang daw kunin kong kurso pero isang semestre palang alam ko na 'di talaga ito para sa akin. 

Matapos ang ilang araw ng pakikipag debate sa aking sariling kaisipan ay napagpasiyahan kong mag drop out sa kolehiyo upang hanapin muna ang sarili ko. 

Ako nga pala si Lucas pero mas kilala sa palayaw ko na JR ang layo 'no haha 'di naman ako junior 'di ko din alam ba't JR naging palayaw ko. Bente anyos. Stereotypical middle child base sa mga stereotypes. Outgoing naman ako pero akward talaga lalo na sa mga 'di malapit sa akin. 

Madalas tuwing alas dos ng madaling araw marami akong naiisip, mga kung ano-anong mga bagay na minsan may kwenta madalas wala. Tulad ng "ano ang mas nauna orange na kulay  o orange na prutas?" "ano nga ba ang mas masakit, ang pamamaalam na may pagpapaalam o ang pagpapaalam na walang pamamaalam?"  madalas akong lumalangoy sa sariling kong emosyon minsan nalulunod, minsan nakakaahon. 







Tots Sa Alas DosWhere stories live. Discover now