Lahat ng darating ay aalis din.
Siyang naging bahagi ng mga tawanan, iyakan, kwentuhan, at masasayang ala-ala
Makakalungkot isipin na yung mga gusto nating panghawakan ay sila ring gustong bumitaw. Minsan may pasabi, o bigla nalang mawawala.
'Di ako komportable sa pagbabago, sanay akong may routine sa bawat araw. Wala rin akong maraming "kaibigan" base sa pagkakaitindi ko sa salitang ito, oo maraming nakakakilala sa akin dahil sa husay sa paglalaro ng billiards, minsan nagugulat nalang ako na pag nasa isang lugar ay may tumatawag sa pangalan ko. Madalas 'di ko kilala o nakasama ko sa mga bilyarang pinupuntahan ko. Pero kung "kaibigan" hindi hihigit sa mga darili ko ang bilang na lamang nila.
At oo kaya hindi ako komportable sa pagbabago. Pero wala akong sinisisi, 'di ako galit sa mga umalis sa buhay ko dahil buhay nila yon. 'di lang talaga maalis sa akin ang pakiramdam na naiwan.
Sa pagpasok ng koleyiho ko pinaka naramdaman ang unti-unti nilang pagkawala. Ang iba'y nagkaroon ng kanilang mga nobyo't nobya, ang iba'y nagkaroon ng iba nilang mga kaibigan, ang iba'y pinili na magaral sa ibang lugar. Galing ako sa maliit na pribadong paaralan no'ng jhs na lahat magkakakilala, parang pamilya sa loob ng kwarto. kaya para kaming nakawala sa hawla pagtapak ng kolehiyo. sinarado ko ang pinto sa mga bagong tao dahil takot na akong ma-attached sa taong eventually ay aalis rin.
Minsan napaka daling isara ang ating pinto para sa ibang tao pero napaka hirap nitong buksan muli. Napaka daling maniwala na ang meron sa atin ay pang habang buhay na, minsan mas madali pang magbulag-bulagan kaysa buksan ang mga mata.
Aalis silang walang pasabi o sila'y magpapaalam.
'Di ko alam kung paano bibitaw o kung paano kumaway ng pamamaalam.