CHAPTER TEN

980 20 0
                                    

Bryndis PoV

Kasama ko ang mga cook ni Draven na nagluluto rito sa kusina, hindi muna pumasok si Draven ngayon. He want to bond with his children kaya naman kahit nandito kami sa loob ay rinig na rinig ko ang ingay nila galing sa garden ng bahay ni Draven.

"Ngayon ko lang po nakita si Sir Draven na gan'yan kasaya" natagil ako sa paghahalo ng niluto nang magsalita ang isang cook, bumaling ako rito at ngumiti.

"Bakit po? Lagi ba pong masama ang mood?" biro ko dahilan para matawa rin ang babae.

"Hindi naman po, pero madali s'yang ma-bad mood. Ngayon parang kahit may konting palpak kang gawin eh hindi agad s'ya magagalit" napaisip ako, oo nga't nakita kong magalit si Draven, pero parang hindi katulad ng tinutukoy ng cook.

Maybe he's controlling his emotion kapag kasama ang mga anak. Sobrang haba ng pasensya nito, kahit na magulo at nag – iingay ang kambal sa buong bahay n'ya, hindi n'ya pinapagalitan kapag maingay ang mga ito o kung ano mang nagagawa nila.

"Baka nagbago para sa mga anak n'yo" magsasalita na sana ako nang tumalikod na ito at nagtuloy sa niluluto. Napa – isip ako, parang nabanggit sa akin ni Draven ang tungkol dun.

We're staying here for four months now, at hanggang ngayon ay hindi nagpaparamdam sa akin si Eugene, ang huling balita ko sa kan'ya ay kasama na n'ya si Hazel, sinusuyo na bumalik sa Manila.

Ayaw ko s'yang kulitin na pumunta rito at ipaliwanag ang nangyari months ago, hindi ko naman alam kung ano nang balita, habang nagta-trabaho ako ay nagiging maingat ako, walang nababanggit sa akin si Draven tungkol dun, kaya minsan ay napa-praning ako kapag pumapasok ang mga bata sa eskwela.

Matapos maluto ang breakfast ay dinala ko na ito sa labas kasama ang mga katulong ni Draven, agad namang sumalubong si Draven at kinuha ang dala kong tray, ganun din si Blair na kinuha ang dala ng isang katulong.

He insist kahit na ayaw ibigay sa kan'ya ng katulong.

"It's okay" saad ni Draven nang humihingi ng tulong sa kan'ya ang katulong. Walang nagawa ito kung hindi ang ibigay sa batang lalaki na makulit.

Inilagay namin ang mga pagkain sa round table sa ilalim ng malaking puting payong. My daughter is so spoiled by her dad and brother! Gosh!

Napangisi ako nang makita ang outfit n'ya, she's wearing cute sundress, and her heart – shaped sunglasses!

Feel na feel naman ng anak ko.

"Let's eat?" nakangiting saad ni Draven nang maayos ang lamesa, tumango naman kami, at lumawak ang pagngiti ko nang si Blair na ang nag-asikaso ng pagkain ni Iris, while Iris is minding her own bussines.

Parating tinatawag ni Blair ang kapatid na 'little spoiled' eh s'ya rin naman ang dahilan kung bakit spoiled ang kapatid n'ya.

"Kumain ka na" saad ni Draven, napakurap – kurap ako dahil bumulong pa talaga ito sa tenga ko!

Ngayon ko lang napagtanto na s'ya na ang naglagay ng pagkain sa platong nasa harap ko!

"Thank you mommy for the food!" my children said in unison, it warm my heart.

"You're welcome baby, be thankful to our cook too" nakangiti kong saad, tumango ang mga anak ko saka sila kumain.

My daughter groaned when she ate strawberry yogurt.

"I love it daddy! It's... it's kinda sweet!" I saw how Blair stop from drinking his juice, ganun din si Draven na kumagat sa french toast n'ya.

I sighed.

Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon