Bryndis PoV
Hindi pa man nagsisimula ang araw ay naging magulo na ang buong kabahayan, Draven keep me inside our room with Blair, at kahit na hindi pa naghihilom ang sugat n'ya ay nakikialam na s'ya kila Mr. Tabia!
I am anxious and worried about what is happening there, pero hindi ko kayang ipakita iyon lalo na at kasama ko si Blair ngayon. He's still silent pero kinakausap naman ako, ngayon ay abala s'ya sa pagkukulay.
Nang magbukas ang pinto ng kwarto ay halos tumalon ako sa tuwa, pero natigilan ako nang makita na si Nay Norma iyon may dalang pagkain.
Agad na sinalubong ni Blair ang matanda at tinulungan sa paglalagay ng pagkain, gumuhit ang matamis na ngiti ng matanda dahil sa ginawa ni Blair saka marahang ginulo ang buhok. Tumayo ako at lumapit sa kanila.
"Kamusta po si Draven, Nay? Kumain na po ba s'ya? Bakit ayaw n'ya akong pababain?" nag-aalala kong saad, bumuntong-hininga ito saka pinagmasdan ang tiyan ko at bumaling sa akin.
"Anak, alam mong bawal sa'yo ang ma-stress, doctor na ang nagsabi niyan sa iyo at alam mong hindi makapapayag si Draven na may mangyaring masama sa iyon, hayaan mo na s'ya at hindi naman s'ya nag-iisa sa ginagawa n'ya" napabuntong-hininga ako. Pilit kong iniintindi ang lahat pero tuwing nag-aalala ako ay mas gusto kong kasama s'ya at nakikita.
"May naririnig po ba kayong pinag-uusapan nila? O balita?"
Umiling ang matanda at nag-iwas ng tingin.
"Wala hija, nasa kusina lamang ako o kaya naman sa garden, hindi ko sila naririnig na mag-usap"
She's lying, I know!
Bumuntong-hininga ako saka tumango na lamang, dahil kahit pilitin ko si Nay alam kong hindi s'ya magsasalita, ang nangyari sa akin ang iniiwasan na nila, kahit si Blair ay hindi ako hinahayaan na lumakad nang lumakad dahil natatakot s'ya na baka may mangyari ulit sa aking masama.
Nang lumabas ang matanda ay saka kami sabay na kumain ni Blair.
"Mommy, don't worry about Daddy. I know he's fine! Pwede ko po s'yang i-check for you!" napangiti ako nang hawakan nito ang kamay ko and he look at me assuringly. I kissed his head and sigh.
Umiling ako at mahigpit din na hinawakan ang kamay n'ya.
"Huwag na anak, I know your daddy is fine, hindi ko lang maiwasan na mag-aalala" nakangiti kong saad at pinagmasdan ang mata n'ya.
Ito ang tinutukoy ng doctor n'ya. There's emptiness in his eyes, kahit na ngumingiti s'ya hindi mo makikita sa mata n'ya iyon, malalim, madilim at hindi mo mababasa kung ano ang nasa mata n'ya. He's smiling, but his eyes is full of unreadable thoughts, and sadness.
Natapos ang buong araw na nasa kwarto lang talaga ako, nagising lang ako nang makaramdam ako nang paghalik sa noo pero nagpanggap akong natutulog, I know it's Draven.
"How's your mom, son?"
"She's worried about you daddy, how's your wound?"
"I'm doing good, son, Tell that to mommy kapag gumising s'ya."
Tumahimik ang paligid, pero maya-maya pa ay binagsak iyon ni Blair.
"I-I'm scared, natatakot ako para sa'yo at para kay mommy, daddy. I know she's worried, and me too. I don't know what is happening right now, but I want you to be careful, daddy" narinig ko ang tunog ng paghalik at buntong-hininga.
"I will do my best to be okay and safe okay?, kasama ko naman sila Tito Jordan mo, they will protect me" saad nito.
"I know, but you need to be extra careful daddy, kasi kahit pinoprotektahan nila tayo, someone's smarter than them" malalim na saad ni Blair, kahit ako ay hindi nakuha ang sinabi n'ya.
BINABASA MO ANG
Chaos Under the Roof|•|Dream Series 3|•|[COMPLETED]
RomanceBryndis Flare Reyes, a very simple woman who dreamed to have a family. She grew up without her parents. Her dad died because of accident while she's on her mom's womb, and her mom died while giving birth to her. A very kind old couple neighborhood...