Magkaharap kaming tatlo ni Mama at ni Dave sa mesa, at hindi ko rin alam kung bakit naisipan pa nila akong kunin. Dati, ayaw nila sa akin at pinamigay pa nila ako, dahil isa lang daw akong bunga ng isang pagkakamali.
"Ma, bakit nandito ang babaeng 'yan?" tanong ni Dave, na parang wala lang sa kanya kung nasasaktan ako.
"Stop it, Dave! Kapatid mo siya!" sabi ni Mama kay Dave.
Tinignan ako ni Dave ng masama. Ano bang problema niya sa akin?
"Kapatid? Eh, wala akong kapatid na babae," sabi ni Dave, sabay tayo at iniwan kaming dalawa ni Mama.
"I'm sorry, Steph, sa sinabi ng kuya mo," humingi ng paumanhin si Mama.
"Wala po iyon sa akin dahil ganyan naman palagi kayo. Simula bata pa ako, ayaw niyo sa akin. Pero bakit mo pa ako naisipang kunin? Hindi mo ba alam na masaya na ako sa tinuring kong pamilya?" pasigaw kong sabi, at napansin ko namang may lungkot sa mukha ni Mama.
Mayamaya ay nakita ko naman na may luhang pumatak sa pisngi niya.
"I'm sorry, anak, nadala lang ako sa emosyon dati," iyak na sabi ni Mama.
"Busog na ako, kaya aakyat na ako sa kwarto ko," sabi ko, at iniwan siyang mag-isa. Nawalan na rin ako ng ganang kumain.
Malapit na ang pasukan at hindi ko mapigilang mamiss ang mga classmate ko.
First day of school, naisipan ko namang magsuot ng black na pants at oversize na damit na kulay black. Tinali ko rin ang buhok ko at nagsuot ng headset dahil dito ako komportable. Pagkatapos, naisipan ko nang bumaba.
Nakita ko si Mama at si Dave na parang naghihintay sa akin dahil nakasuot na siya ng uniform. Di ko mapigilang mamangha sa ganda ng uniform niya, pero mas gusto ko pa rin yung sa amin dahil kulay blue.
"Bakit hindi ka nagsusuot ng uniform, anak? Simula pa naman ngayon ang klase," tanong sa akin ni Mama.
"I'm not comfortable with the school uniform, at saka unang pasukan pa naman ngayon. Okay lang siguro kung hindi ako mag-uniform?" sagot ko, kasabay ng matalim na tingin ni Dave sa akin.
"Wag mo nang pakialaman, Ma. Bahala siya sa buhay niya kung anong gusto niya," sabi ni Dave kay Mama.
"Sumabay ka na lang kaya sa kuya mo, anak," pagbabago ni Mama ng usapan. Hindi ba niya alam na ayaw sa akin ni Dave, tapos pasasabayin pa niya ako?.
"What! Ayaw ko ngang makasabay ang babaeng 'yan, at saka may susunduin pa ako!" sigaw ni Dave sa amin bago siya lumabas ng bahay.
Ang sama talaga nang ugali niya.
"Ipapahatid na lang kita kay Manong Tata," sabi ni Mama sa akin, kaya tumango na lang ako.
Nang nasa tapat na kami ng school, nagmamadali akong lumabas ng kotse at hindi na hinintay na pagbuksan pa ako ni Manong Tata.
Pumasok ako sa loob ng gate at marami akong mga estudyante na nakasalubong. Napatingin ako sa uniform ng mga girls dahil sa ikli. Di ko mapigilang ikumpara, kasi hindi naman maikli ang palda namin, hindi katulad dito na sobrang ikli. Napahinto ako sa pag-iisip nang mapansin kong may nakatingin sa akin, at hindi ko naman sinasabi na nagmamayabang ako, pero siguro na-cucutetan sila sa akin.
Patuloy lang ako sa paglalakad at hinanap ang principal's office. Naisipan ko namang kumatok, at nang pumasok ako, may nagsalita mula sa loob.
"Umupo ka!" utos sa akin ng principal, kaya umupo ako at inayos ang aking sarili.
"Transferee?" tanong pa niya sa akin, kaya't tumango ako at inayos ang aking pwesto.
"Yes!" sagot ko, sabay ayos ng aking postura at naghintay ng karagdagang tanong.
"Section B ka," sabi niya sa akin, kaya naman nagpaalam na ako at nagsimulang hanapin ang magiging classroom ko.
Nang may nakasalubong akong isang lalaki, hindi ako nagdadalawang-isip na magtanong.
"Excuse me, pwedeng magtanong? Saan ba ang classroom ng Section B?" tanong ko.
Tinignan lang niya ako, at hindi ko mapigilang mamangha dahil ang gwapo niya. Kailan pa ako nagka-interes sa gwapo?.
"Stop staring at me!" anas niya sa akin, sabay smirk. Kaya naman, sinamaan ko siya ng tingin.
"Excuse me, nagtatanong lang ako, kaya ituro mo sa akin kung saan ang Section B," inis kong sabi, dahil ang yabang ba naman kasi.
"Are you looking for Section B?" tanong niya sa akin, at tinuro niya ito sa akin, sabay sabing doon daw sa pinakababa ng building. Kaya naman nag-thank you ako sa kanya at bumaba.
Nang nakarating na ako sa tinuro niyang classroom, nagtataka ako dahil sa pagkakaalam ko, classroom nila ni Dave ang bumungad sa akin.
May lumapit naman sa akin na babae na may dark brown na kulay ang buhok.
"Bakit ka pala nandito, Miss?" tanong niya sa akin.
"Papasok" sagot ko.
Akmang papasok na ako nang nagsalita ulit siya.
"Siguro pinagtritripan ka ng Section B?" sabi niya sa akin, kaya hindi ko mapigilang magtaka.
"What? Diba ito ang room ng Section B?" tanong ko, kasabay ng tawanan ng buong Section, kabilang na ang babae sa harapan ko.
"Marunong ka bang magbasa, Miss?" sigaw ng lalaki sa akin habang tumatawa, at ano naman ang nakakatawa?
"What do you mean?" tanong ko.
"Hindi mo ba binasa ang nakasulat sa pintuan, or sadyang bulag ka lang talaga?" sabi ng babae sa akin, na akala mo naman sobrang ganda. Mahiya naman ako, ang kapal ng make-up, nagmumukha tuloy siyang clown.
Tiningnan ko na lang ang pintuan at binasa, napatigil ako dahil college na pala sila at Section A pa. Hay, siguro nga pinagtritripan talaga ako ng lalaking iyon.
"Ihahatid na lang kita, Miss, sa classroom mo," sabi niya sa akin, kaya naman napabaling ulit ang tingin ko sa babaeng nasa harap ko.
Nauna naman akong naglakad kaysa sa kanya.
"Ako nga pala si Ericka Arian Quin, at Arian na lang ang itawag mo sa akin," sabay lahad ng kamay niya sa akin.
"Ako naman si Stephie Steph Lopez, at just call me Steph for short," sabay tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
"Talaga bang Section B ka?" tanong niya ulit.
"Bakit, may problema ba kung Section B ako?" tanong ko pabalik, at pansin ko naman na medyo nagbago ang mukha niya.
"Wala naman," sagot niya sa akin.
Hanggang sa makarating kami sa harap ng magiging classroom ko, hindi ko mapigilang mamangha dahil sobrang linis, at wala man lang kaunting basura.
Nagpaalam si Arian na babalik na daw siya dahil nag-text na ang classmate niya na nandon na ang Ma'am nila, kaya nagpasalamat ako kay Arian.
Naisipan ko namang kumatok, at maya-maya ay bumukas ang pinto. Pagbukas nito, bumungad ang mga estudyante na puro lalaki.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko kung lalaki, at napadako ang tingin ko sa lalaking nagpahiya sa akin kanina. Tumingin naman siya sa akin, kaya hindi ko mapigilang irapan siya.
"Everyone, listen! Siya pala ang transferee na tinutukoy ko!" sabi ni Sir, at sa tingin ko, ako lang ang babae sa classroom namin.
"Okay, introduce yourself," utos sa akin ni Sir, kaya tumango ako at huminga ng malalim bago magsimula.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Ako nga pala si Stephie Steph Lopez, at Steph na lang for short," pagpapakilala ko sa kanilang lahat.
Sa mga nagmamahal kong mga readers, maraming salamat sa pagbabasa ng story ko. Ito po ang first story ko, at gusto kong ipagpatuloy ang pagsulat sa Wattpad. Huwag niyo po sanang kalimutang mag-follow, mag-comment, at mag-vote sa story na 'to. Enjoy reading!

YOU ARE READING
The Girl In Section B (Badboys Group)
RandomDisclaimer This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance t...