16

22 1 0
                                    

"What do you feel right now?" Hindi ko matingnan si Aki ngayon na inaalo ako. My both hands covered my face as I try to bring myself together.

"Confused and hurt." Bulong ko. I know that I fucked up that exam dahil sa gulo na rin ng isip ko kanina. Tsaka ko na lang iiyakan iyon dahil mas kaiyak-iyak pa rin ang sitwasyin ng pamilya ko ngayon.

"Maybe, she needs time. Talk to her, Seni. You guys need to stay intact." Hinahagod niya ang likod ko and that action somehow calmed me.

"Ayoko. Sarado pa utak nun." Sagot ko sakanya that made her sigh.

"If not now then kailan?"

***

I got home with Aki's questions ringing in my ears. Oo nga naman. Kailan? Hahayaan ko bang ganito na lang? Pero paano rin naman ako? Hindi ba pwedeng mag-pahinga muna? Haharapin ko naman eh.

Sae smiled at me bago bumalik sa binabasa niya. Hindi na ako kumain pa at dumiretso na sa taas. Papasok na sana ako sa kwarto nang makita ko si Rae na nasa balkonahe and again Aki's question reverberated.

"Hindi ka magrireview?" Hindi niya ako nilingon at nagpatuloy lang sa pagtanaw sa langit. I settled myself beside her at tumingala rin.

"I'm sorry." She said and pursed her lips.

"We are all hurt." Ngumiti siya nang mapait bago umiling.

"I mean it. We have to accept what happened."

"Hindi ko alam, Rae. Gusto ko tanggapin na ayaw." I said opening my heart. Hindi ko masabi kay Aki dahil ayaw ko siya iburden with my own problems right now. Kami lang ng mga kapatid ko ang makakaintindi sa isa't-isa ngayon at watak-watak pa kami.

"Bati na kayo?" Dumating bigla si Cae at  tinabihan ako. He smirked at us bago tumawa.

"Away away pa kayo."

"Hindi kami nag-away!" Depensa ni Rae.

"Ah, so yung kaninang umaga ay hitting high notes lang?" Pareho kaming di sumagot.

"Ganito kasi yan. May different ways tayo to cope with the divorce pero hindi dapat yun maging way para magwatak-watak tayo. Ikaw, Kaegeus. Alam ko na you feel burdened saamin pero dapat alam mo na ishare kay Qaegeus yun."

"Bakit si Qae lang?"

"Aba! Isasama mo pa ako? Nag-aadvice na nga ako eh. Labis labis ka na!"

"Keep it to yourself, then." Suminghal lang siya kay Rae.

"At Rae, sa magkakapatid ikaw yung walang kakambal kaya alam namin na sanay ka mag-isa. Pero, andami mong kapatid so bakit kailangan mo bitbitin mag-isa? Atsaka, mag-sorry ka na kay Sae. Umiiyak na nga sa nangyari sa pamilya natin tapos pinaiyak mo pa lalo kanina."

That talk somehow clear my mind.

Hindi naman pala ako nag-iisa. Hindi ko naman pala kailangan bitbitin lahat.

Game ( AE SERIES 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon