NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH

3.2K 45 4
                                    

Comments are highly appreciated. So please, leave a comment. (✪‿✪*)


××


PROLOGUE


Mayroong iba't ibang uri ng hangin. Nangunguna na rito ang hanging Amihan at Habagat. Ang hanging Amihan o northeast wind ay iyong nararanasan sa Pilipinas tuwing bandang Setyembre o Oktubre hanggang Mayo o Hunyo. Ang hanging Habagat naman o west or southwest monsoon ay nagaganap sa mga buwan ng Mayo o Hunyo at lalakas sa bandang Hulyo o Agosto. Mayroon ding hanging Balaklaot o trade winds na nagmumula naman sa northwest ng bansa.


Ayon sa alamat, bestfriends daw si Habagat (hangin mula sa dagat) at Amihan (hangin mula sa kabundukan) kung hindi lamang sila sinira ng away na dulot ng inggit. Si Balaklaot? Walang balita tungkol sa kanya.


Pero hindi tungkol diyan ang istoryang ito. Tungkol ito sa isang lalaki na dinaig pa ang Amihan sa pagiging cool, at ang Habagat sa lakas ng dating.


Ngunit kagaya ng Balaklaot, wala rin talagang masyadong nakakakilala sa kanya, kung ano ang nasa likod ng drop dead gorgeous na nilalang na ito. Bakit nga ba sa kabila ng nasa'yo-na-ang-lahat features niya ay hindi pa rin siya nagkaka-girlfriend? Dahil ba mayabang siya, este, sobrang yabang niya? Bakit nga ba kahit na pinapangarap siya ng nakararami, hindi niya makuha-kuha ang taong pinapangarap niya?


Siya si Ethan Castro, ang transferee ng Maravilloso Academy na agad-agad na binansagang Bagyong Ethan. Hanggang saan siya liliparin ng kahanginang taglay niya? Anong signal ng heartbreak ang aabutin ng mga babae at pusong-babaeng nagkandarapa sa kanya at the same time, niya dahil sa pande-deadma ng Ms. Almost Perfect ng Maravilloso? May evacuation center ba para sa mga heartbroken?


At wala nang maisip na tanong ang author.


××


NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH

Revised/Edited: March 22, 2014

Copyright © 2013 by GKaeri

All rights reserved. This is a work of fiction. Any resemblance of characters to actual persons, living or dead, is purely coincidental. Please do not distribute, in any means, without the author's permission. Say NO! to plagiarism.

NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon