NGSB 14: WRONG MOVE, ETHAN

268 3 0
                                    

Ethan Castro

Studying Multimedia Arts in Maravilloso Academy

In a relationship with Janna Michelle Han


Ilang minuto akong hindi kumukurap sa ng screen cellphone ko. Matapos ang mahigit isang linggo mula noong naganap ang Valentine Ball, ito ang nabungaran ko. Ano pa nga ba ang dapat kong i-expect? I was sorting my feelings out tapos nang ma-assert ko na kung ano ba talaga ang dapat kong gawin, malalaman kong si Jamie at si Jamie pa rin talaga ang pipiliin niya.

Walang luhang tumulo mula sa aking mga mata. Galit ako. Galit ako sa sarili ko dahil naniwala ako na hindi pwedeng mangyari sa akin 'to. Sa amin ni Ethan. Naniwala ako sa sinabi niya.

Aaminin kong ako ang kusang umiwas kay Ethan matapos niyang sabihin na gusto niya ako. Ginawa ko lang naman 'yun para sa amin dalawa. Paano kung hindi pala niya talaga ako gusto? Paano kung mapagaya lang din ako sa mga babaeng naka-relasyon niya? Paano kung umiyak na naman ako sa huli? Paano kung magpakatanga na naman ako at ulitin ko na naman ang pagkakamali ko noon? Paano kung piliin kong maging option na naman?

On the other hand, nagpapasalamat pa rin ako na umiwas ako. Dahil sigurado namang masasaktan pa rin ako. Si Jamie pa rin, e. Gaano na ba kami katagal na magkakilala? Siyam na buwan. Samantalang si Jamie, ilang taon na niyang minamahal? Mahigit apat na taon na. Ano namang laban ko sa epic love niya para kay Jamie? Wala. Walang-wala.

Tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Jancy. Malamang alam na niya ang balita.

"Hello," I tried to sound okay.

"Johanna?" tawag niya sa akin. Tinatant'ya ang mood ko.

"Hmm?"

"Come on. Say it."

"Ayoko," tipid kong sagot. Oras na magsalita ako tungkol kay Ethan, alam kong babalong na ang luha.

"Be brave."

"Jancy..."

"I'm listening, girl." Bago pa man ako nakapagsalita, unti-unting ako humikbi. Kinagat ko ang ibabang labi ko upang pigilin ang pag-iyak. "Johanna?"

"Hmm?"

"Okay, susunduin kita d'yan sa inyo. Mag-ayos ka para hindi makahalata si Eman at Sai," sabiniya. Tinapos na niya ang tawag dahil alam naman niya na hindi ako sasagot nang maayos.

Sa tuwing may problema ako, nararamdaman niya iyon na para bang kakambal ko siya. Sa barkada naming apat, si Yuri ang pinakamalapit sa akin pero si Jancy ang pinakanakakikilala at nakaiintindi sa akin. Para bang may certain connection kaming dalawa na kagaya ng connection nina Yuri at Muriel. Kaya nga naisip naming dalawa na baka kami ang soulmates. Soulmates na walang romantic connection.

Ilang minuto pa ay dumating na si Jancy. Kagaya ng nakagawian, ipinagpaalam niya ako kay Kuya Eman. "It's either si Johanna ang sasama sa akin or ikaw," nang-aakit na sabi niya kay Kuya. Si Kuya naman ay halos itaboy na ako kay Jancy. Pinaalalahanan niya si Jancy na huwag kaming magpapagabi dahil baka i-check ni Daddy ang kalagayan namin.

Kung may perpektong larawan ng isang istriktong magulang, si Daddy na 'yun. Noong dito pa sila nakatira sa Pilipinas, may curfew talaga. Minsang na-late si Kuya Eman ng uwi, literal na hindi siya pinapasok ni Daddy sa loob ng bahay. Sa garahe lang siya namalagi at noong makatulog si Daddy, pinapasok na siya ni Mommy. Nang naging abala sila sa pagma-manage ng business sa Italy, kulang na lang ay palagyan ni Daddy ng CCTV ang bahay. Sabi ni Mommy, kapag daw ginawa ni Daddy 'yun, siguradong lagi kaming nasa labas ng bahay kaya naman hindi na itinuloy ni Daddy ang balak.

NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon