7

146 7 0
                                        

Jema's Pov

Nakarating na kami sa car ni Deanna, at pinag bukas nya ako ng pinto nang car sa passenger seat. Nang maka pasok nako, Tumakbo naman si Deanna papuntang Driver seat. Pag pasok nya, she check everything na muna ata, then she looked at me at umiling.

Nagulat naman ako nang lumapit sya sakin, as in sobrang lapit nya kaya napa sandal ako, she put my seat belt on lang pala, akala ko kung ano na eh, choss. Nang ma lock na nya ang seat belt ko, napansin ko naman na napatitig sya din sya saakin.

She looked at my lips at ibinalik ang tingin sa mata ko. Then napansin ko na palapit nang palapit ang muka nya sakin. We both close our eyes and waited for our lips to touch.

We waited for the gap of our lips to touched nang biglang mag ring ang phone ko. Mabilis na naghiwalay ang mga muka namin sa isa't isa at parehong umiwas nang tingin.

Sinagot ko naman ang phone ko and it's ate aly. She's my friend, ate alyssa.

''Hhmm.'' I cleared my throat at nag salita na.

''Hey ate ly, napa tawag ka?''Sabi ko sa kabilang linya.

''Hey jems, how are you na? Alam ko na yung nangyari last night, your prof just called kagabi and told me. Tumawag ako to ask nga kung kamusta na ang kalagayan mo.'' Sabi sakin ni ate ly na nasa kabilang linya.

''I'm fine naman na ate, wala naman nang masakit sakin eh'' Sabi ko rito.

''That's good to hear. Anyways, i also heard din na may kasama ka daw na nag ligtas sayo ah, who's that person?'' Tanong nito sakin. Tinignan ko yung katabi ko na naka tingin lang sa labas. Hindi pa naman sya nag mamaneho, kung nasaan ang sasakyan nya kanina andun parin kami.

Sinenyasan ko sya at tinignan, asking if it's ok lang. Tumango naman sya saka ko binigay yung phone ko na tinanggap nya. Nag usap lang sila, hindi naman matagal, tapos si ate ly walang tigil sa pagpapasalamat kay Deanna.

Ibinalik na nya sakin yung phone habang naka tingin sa kung saan. Ok this is getting awkward.

''Ahhm, hey jems are you hungry na ba? Mag drive thru muna tayo bago umuwi para makakain na tayo agad.'' She said and i just nodded to her, at nag simula na syang mag maneho.

Gaya nga nung sinabi nya kanina, nag drive thru lang kami. Kanina ko pa napapansin, yung dinadaanan nya ay parang familliar. Hindi ko nalang ito pinansin at pumikit na muna.

''Jema, wake up na, we're here na.'' Nagising ako nang may tumatapik sakin at dumilat na. Pagkadilat ko nakita ko si Deanna sa harap ko. Ang lapit nanaman ng muka namin sa isa't isa kaya medyo napa layo ako. Napansin naman nya yun kaya napa layo din sya.

Tumingin ako sa paligid namin, at nakita ang building kung saan ako naka tira. Tumingin ako kay Deanna na nagtataka ngayon sa muka ko. Wait don't tell me dito rin sya nakatira, dinga??

''ahhm Deanna, dito kaba nakatira?'' Tanong ko rito na naka tingin lang sa paligid sa labas, kaya napatingin ito saakin.

''Ahh yeah, bakit ayaw mo ba dito?'' Tanong nya sakin pabalik. Umiling ako sakanya at nag ayos na para maka baba na. Bumaba na si Deanna at tumakbo papunta dito at pinagbuksan ako ng pinto.

''Thankyou Deanns.'' Sabi ko dito at inalalayan nya din ako pababa nang sasakyan.

''You're welcome jems. Uhh anyways, tara na akyat na tayo baka gutom kana'' Sabi nito sakin. Hindi ko parin sinasabi sa kanya na dito rin ako naka tira. Mamaya nalang, surprise ko na yon haha choss.

''Ako talaga wong huh? Ikaw nga tong kanina pa tinutunugan nang tyan. Akyat na tayo para maka kain na tayo.'' Tinawanan nya lang ako habang kinakamot ang makapal nyang kilay. Ang cute haha.

Umakyat na kami at lalo akong nagulat dahil magka tapat lang talaga kami nang unit. Grabi naman toh, meant to be naba? chosss haha.

''We're here na jems.'' Sabi nya sakin bago nya buksan ang pinto. Pinauna nya akong pumasok sa loob saka sya sumunod.

''Ahh Deanns, don't be shocked sa sasabihin ko ah.'' She gave me a confusing look before nod at me.

''Ahh... Deanns, actually yung unit ko... kata-'' Sasabihin ko na sana yung about sa condo ko but someone interrupted me. We both look at the door, at nakita ko naman na pumasok ang isang babae na matangkad, may kasama syang isa pang babae na medyo ka height lang ni Deanna.

Pag pasok nila nang tuluyan they greeted Deanna, and as soon as they saw me, their eyes grew wide with matching nganga pa.

''Woahh, Deanns you didn't tell me na mag dadala ka pala nang chix dito!'' Sabi nung matangkad na babae kaya naka receive sya ng malakas na bato ng libro galing kay Deanna. I just giggled to them.

''Ahm miss, are you single?'' Sabi naman nung isa sakin. Natawa naman ako sa reaction ni Deanna, haha. Parang diring diri at gustong manakit eh.

''Subukan mong lumapit pongs kukutusan kita.'' Malamig na sabi nito sa kaibigan nya pala. Nakakatakot si Deanna pag cold era sya haha.

''Eto naman si boss d, di mabiro eh. Hey you're jema right?'' Tanong nung pongs saakin na ikina taka ko naman. I looked at Deanna na umiiling sa kaibigan nya.

''Ahh yes, i'm jema'' Sabi ko nalang dito kahit confused.

''Grabi tama nga si Deanna, ang ganda mo nga talaga.'' Binato ni Deanna nang unan yung matangkad na tinawanan lang sya. So nakwento na pala ako ni Deanna sa kanila, ahh kaya pala. I'm not just assuming, it's obvious naman na eh. Nilaglag na sya nung friend nya eh haha.

Pinakilala na kami sa isa't isa ni Deanna at nag kwentuhan lang kami. Kinwento din ni Deanna yung nangyari kagabi. Nakakatakot naman yung mga ekspresyon ng muka ng mga to, grabi galit na galit. Nag kwentuhan pa kami and i'm right, nakwento na nga ako ni Deanna sakanila, bea just told me kaya nahampas sya ni Deanna. Nag tawanan lang kami hanggang sa nag paalam na sina pongs at bea. May gagawin pa daw kasi sila, kaya umalis na sila na may pa smirk pa kay Deanna. Ano yun?

''Ahh Deanns, i should go na. Baka pagod kana, mag pahinga kana.'' Pag papaalam ko sakanya kaya napatingin ito saakin.

''And don't forget to take your medicine ahh? Baka itapo-'' Pinigilan ako di Deanna sa sasabihin ko.

''Hey jems, just stay here. Sabi ko sa nurse kanina na ako mag aalaga sayo diba? So just stay here. And i should be the one to remind you to drink your meds na. Anong oras na oh, it's time for you to take the meds.'' Mahabang pagpapaalala nya sakin. Napa sapo nalang ako sa forehead ko, at umiling. Hay, oo na Deanna, oo na!.

''Fine, take yours too. Aba wala kang balak gamutin yang muka mo??'' Pagpapaalala ko rin dito at kinuha na ang med kit na nasa ibabaw ng drawer nya. Sya naman pumunta na sa kitchen nya at kumukha ng tubig para saamin.

''Hey Deanns, ako na mag gagamot nang sugat mo. Lika na dito.'' Sabi ko dito. Lumapit na sya at ibinigay na ang gamot at tubig sakin. We both take our meds na at saka umupo sa tabi ko si Deanna. Ginamot ko na ang muka nya at nang matapos kami, we just watch movie together sa leaving room nya.

Inabot na kami ng gabi sa panonood until i felt sleepy na. Napansin ko din na kanina pa humihikab ang katabi ko kaya nag aya nakong matulog na. She insisted na dito nako sa room nya matulog at sya naman sa sofa na daw. Pinahiram nya ako nang damit at ginawa ko na ang night rituals ko, at pagkatapos ay natulog na ako.





She's my BestfriendWhere stories live. Discover now