"Taray ganda ka Bri?" sabi ng bading na si Jesse habang naglalakad kami papasok sa school, sumimangot agad ako tsaka tinap ang ID ko, sinundan naman ako ni Jesse tsaka siya muling tumabi sa akin. Mabilis kong tinahak ang hagdanan katabi siya na dumadaldal parin.
"alam mo kung ako yun jusko mare liliparin ko ang Nueva Ecija papuntang Maynila" dagdag pa niya, gusto ko nalang tanggalin ang tenga ko dahil paulit ulit si Jesse kakasalita. Nanghihinayang kasi siya sa Scholarship na natanggap ko sa UP, I was a consistent varsity ng Volleyball at sa totoo lang magandang opportunity iyon para sa akin but I refuse dahil sa papa ko at sa kapatid ko.
"tumigil ka na Jesse ihahampas kita sa pader" sabi ko sa kaniya tsaka lumiko papunta sa susunod na floor.
"ang drama halika na at baka malate tayo" sabi ni Jesse sa akin, umirap ako sa kaniya at bago pa man ako makalingon ay bumangga na sa akin ang isang pader na amoy pabango, huh meganon ba?
Agad na tumingala ako sakto lamang para makita ko ang mukha ng nabangga ko na akala ko ay pader ayun pala'y tao. Malamig na nakatingin sa akin ang kulay itim niyang mga mata habang ang labi niyang mamula mula ay diretso lamang sabayan pa ng may katangusang ilong niya at may kakapalang kilay pero hindi ang mukha niya ang concern ko ibinaba ko ang tingin sa puti niyang uniporme na may bahid ng kulay orange sa bandang kuwelyo at balikat habang sa isang kamay kamay niya ay ang bote ng orange na Gatorade.
Napasinghap si Jesse samantalang ako ay bahagyang napaatras, si Ryland lang naman ang nabangga ko ang middle blocker at captain ng men's volleyball at ang pinakamahangin sa Engineering department.
"hindi ka ba mag so-sorry" malamig na sabi nito sa akin, napalunok naman ako at tinignan si Jesse na mukhang kinakabahan.
"sorry" walang ganang sabi ko, hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil medyo badtrip ako. I saw how he raise his left eyebrow then lick his lower lip.
"Your mouth is really rude, Ms. Panganiban" sabi niya tsaka itinapon ang wala nang laman na bote ng Gatorade sa malapit na basurahan, ramdam ko din ang bulungan ng mga kapwa ko kamag aral na naglalakad at nakiki usyoso.
"eh ano bang pakialam mo Ryland" naiinis na sabi ko sa kaniya. On and off court ay mayabang talaga ang Ryland na to kaya maraming nabubwisit sa kaniya lalo na sa department niya. Nagtangis ang bagang ni Ryland dahil sa sinabi ko, hindi naman ako nagpatalo at mas tinapangan ang tingin ko sa kaniya.
Nagulat ako nang kuwelyuhan niya ako at mabilis na pinantayan ako ng tingin. Alam kong badtrip ako pero para akong tinakasan ng kulay nang maglapit ang mukha naming dalawa.
"hindi ko alam kung saan ka humuhugot ng tapang mo pero hinding hindi ko mapapalampas ang ginawa mong 'to. Brace yourself Briella, I'll make you pay for what you did" sabi niya sa mariing boses, ang tapang ko kanina ay tila nawala pero pinanatili ko ang mukha kong galit kahit kabado, binitawan niya ang uniporme ko tsaka naglakad palayo.
"BWISIT" malakas na sigaw ko tsaka nagmartsa paakyat sa unang klase ko. Hinding hindi mo ako masisindak Ryland, hinding hindi.
YOU ARE READING
Breaking the Rules
RomanceTeacher Education Series #1 "Maaari kayang magkagusto ang dalawang magkalaban sa lahat ng bagay?" ang tanong na patuloy na bumabagabag kay Gabriella Panganiban. Ang babaeng ipinaglihi sa sama ng loob na may kaakibat na sumpa sa lahat ng bagay, at an...