One

3 1 0
                                    

"lintik talaga!" dabog ko habang isinisiksik sa loob ng aking bag pack ang notebook ko. Third subject na pero hindi parin naaalis ang pagka irita ko dahil sa nangyari kanina.

"pwede ba Bri, ikalma mo. Aba! Lahat nalang ng gamit masisira mo na girl!" sabi ni Jesse na halos tumirik na ang mata kakairap sa akin.

Inirapan ko pabalik ang kaibigan bago namin parehong tinahak ang hagdanan papunta sa first floor.

"sino ba namang di maiirita at maiinis? Mantakin mo ba namang sa dami ng makakasalubong ko yun pang Ryland na yon! Ang yabang! Ang hangin! Akala mo kung sinong hari!" mantra ko tsaka umirap pang muli at humalukipkip habang naglalakad.

"hay nako Bri baka naman sa kakaisip mo magka gusto ka na kay Papa Ryland" ngising sabi ni Jesse kaya sinamaan ko kaagda siya ng tingin bago siya humalakhak.

"Yuck! Over my dead sexy body! Kadiri ka Jesse, Papa? Iw! Yuck!" diring diring wika ko tsaka inunahan siyang maglakad.

Ewan ko ba naman sa lahat ng mga babae at binabae dito sa school, baliw na baliw sila sa Ryland na yon, guwapo daw tapos ang lakas ng appeal eh mukha namang talampakan tapos kung maka asta akala mong pag aari niya ang school.

Naupo ako sa bandang dulo bago ako tinabihan ni Jesse na paypay ng paypay kahit na naka aircon naman ang room.

"kumalma ka na te! di ko na kinakaya yang pagiging bruha mo, dali na kalma na di ako nag review sa Purposive Communication sayo ako kokopya" sabi ni Jesse sa akin kaya mas lalo akong ngumuso.

Jesse is my only friend and when I say only, literal na only dahil ako lang ang nakatagal sa kaniya. Mayaman ang pamilya ni Jesse, may law firm ang parehong magulang niya, ang ate niya'y isang Entrepreneur, ang isang kuya naman niya ay CPA at ang isa naman niyang kapatid ay kumukuha ng Medicine at siya heto nag teacher kahit hindi naman niya trip, pero suportado parin siya ng parents niya sa mga choice niya dahil bunso siya at walang magagawa ang parents niya. Wala siyang kaibigan dahil madalas siyang plastikin ng mga ito, ako nalang ang tumagal sa kaniya dahil una, naiintindihan niya ako at pangalawa kailangan ko din ng humor ni Jesse dahil baka pag walang humor sa katawan ko magmukha na akong karma dahil sa busangot at gloomy ang ugali ko.

"ewan ko sayo Jesse, I-unfriend kaya kita napakadaldal mo" litanya ko tsaka nilabas ang lecture notes ko. Maagap na nilingkis ni Jesse ang braso niya sa akin at dinuldol ang mukha niya sa sa braso ko na para bang isa ko siyang anak na nagpapabili ng laruan sa mall.

"sorry na girl, love you! Ano gusto mo? House and lot? Car? Or both? O baka naman gusto mo ng bagong clothes" sabi ni Jesse sa akin pero busangot lang ako habang nakatitig sa lecture notes ko.

"girlllll~" sabi niya sabay dutdot sa braso ko bago ko siya nilingon at huminga ng malalim.

"oo na! tumahimik ka na at baka ma zero pa tayo" ingit ko tsaka siya malapad na ngumisi.

Natapos ang buong araw namin ni Jesse na halos lumutang na kami sa kalangitan dahil sunod sunod na stress ang inabot naming dalawa lalo na sa mga major subjects namin.

"ano may training ba kayo?" dinig kong sabi ni Jesse sa labas ng comfort room, sa ingay ba naman kasi ng bibig ni Jesse ay alam kong naririnig din ng iba pang kasabay ko sa loob ng CR ang pinag uusapan naming dalawa. naghugas ako ng kamay bago kinuha ang duffel bag ko at lumabas. Naabutan ko si Jesse na ngumunguya ng chewing gum na parang kambing bago lumapit sa akin at mala kontrabidang binuklat ang pamaypay niya.

"meron kaya halika na ihatid mo muna ko sa Gym bago ka magpasundo kay Kuya Jerzon" sabi ko sa kaniya tsaka siya hinaltak, at ang bakla willing namang nagpa kaladkad habang nag papaypay sa sarili.

Pagdating sa gym ay nandoon na ang buong volleyball team kasama na si Coach Liza na kinakausap ang manager ng volleyball girls na si Kisha.

"late ka yata" bungad ni Gretchen, ang spiker namin at captain. Bumusangot agad ako at nilapag ang bag ko sa gilid habang si Jesse naman ay naupo at kinuha ang cellphone niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Breaking the RulesWhere stories live. Discover now