PANGAKONG NAPAKO

2 2 0
                                    

PANGAKONG NAPAKO

“tay, sa’n ka pupunta?” masidhing tanong ko sa aking ama habang tinitignan siya bitbit ang dalawang malalaking maleta.

“ah- mag tatrabaho lang si tatay sa malayo anak ah. Alam kong hindi mo pa maiintindihan ang sitwasyon kase bata kapalang pero alagaan mo ang nanay mo habang wala ako ah. Mahal na mahal ko kayo anak.” Tugon niya at pagkatapos ay hinalikan ako sa noo.

“tay, ‘wag po kayong aalis.” Mangiyak-iyak kong saad sa kaniya habang hinahawakan ang kaniyang braso.

“pangako anak, babalik si tatay. Madali lang naman lilipas ang dalawang taon eh. Hintayin mo si tatay dito ah.” Huling bilin niya at saka pinabitiw ako ng kapit at umalis na ng bahay. Naaninag ko si mama na umiiyak sa sulok ngunit diko na ito pinansin at malungkot na pinanood ang aking ama habang ito’y humahakbang palayo sa amin.

.

Tatlong taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin dumadating ang aking ama. Patuloy kami sa paghihintay ni mama na kusang uuwi si papa sa bahay kaya’t nanalig kami sa Diyos na babalik siya. Hindi ako nagtanim ng poot sa damdamin dahil lumayo ang aking ama dahil pinaitindi naman ni mama sa akin na lumayo si papa para may makain kami at may pangtustos sa pang araw-araw.

Lumabas kami ni mama saglit at nagpahangin muna sa isang kilalang park dito sa bayan namin. Doon kami nagpahinga at nag usap patungkol sa mga bagay-bagay. Habang nililingon at nililibang ang sarili ko sa kapaligiran, may nahagilap akong mag-ama na masayang naghahabulan at kitang-kita sa mga mata nila ang tuwa na galing sa damdamin. Nabigla ako dahil ‘diko namalayan na unti-unti na palang tumutulo ang mga luha ko.

“ang saya siguro kung bumalik si papa, ma. Miss na miss na miss ko na po siya.” Pabulong kong saad kay mama at bigla niyang tinapik ang aking balikat.

“manalig lang tayo sa Diyos anak, babalik din ang papa mo maniwala kalang.” Pagbibigay ni mama ng positibong adbays.

“pa’no pa natin siya hihintayin eh tatlong taon tayong walang komunikasyon sa kaniya?” may halong galit na saad ko.

“kahit gaano pa iyan katagal, kung babalik ang tatay mo, ang tadahana mismo ang magpapabalik sa kaniya sa atin.” Tugon ni mama at pinunasan ko na ang mga luha ko. Di nagtagal ay nakita ko si mama na umiiyak.

“m-ma anong m-meron?” pag-aalinlangang tanong ko rito.

“R-Risha, ang p-papa m-mo” pawang naguguluhan ngunit tinignan ko ang direksyon na tinitingnan ni mama, malapit ito sa isang malaking puno – teka, iyan ang paboritong puno namin ni papa noong bata pa ako. P-papa?

“p-papa?” unti-unti na namang bumakas ang luha galing sa aking mga mata.

“Diyos ko Risha, ang papa mo nga!” tuwang-tuwa na saad ni mama. Akmang lalapitan ko siya ngunit may nakita akong dalawang babaeng lumapit sa kaniya. Hindi kami masyadong malayo kaya’t narinig namin ang pinag-usapan nila.

“Mahal, ipasyal mo kami rito sa lugar mo. Naghihintay na yung anak mo oh.” Tugon nung isang mature na babae sa harapan ni papa. A-ano?! M-mahal?

“oo na mahal, sumama kayo sa akin at ipapasyal ko kayo. Halika dito anak.” Sagot niya sa babae at binuhat niya ang isang batang babae na nasa mga 2-3 years old pa lamang. M-may anak siya s-sa i-iba?!

“papa!” pagkuha ko ng atensyon nilang lahat at tumatakbo ako papalapit kay papa. Pinipigilan ko ang pagtulo ng mga luha ko habang papalapit sa kanila dahil ayoko makitang nasasaktan ang papa ko.

“sino ka ba?” tanong nung babae sa akin.

“Risha…” tugon ni papa sa akin na lalo nagpakabog ng aking dibdib.

“P-pa, sino po sila?” pagtataka kong tanong kay papa. Napa-iling naman siya.

“pa! sabihin mo sino sila?! P-pamilya mo ba? Bago m-mong p-pamilya?” naiiyak kong tanong sa kanila. Pinalakad niya muna ang mag-ina papunta sa isang magarang kotse at saka doon ako kinausap.

“anak, I’m sorry pero mas pinipili ko sila kaysa sa inyo.” Tugon ni papa na nagpakirot ng aking dibdib. Parang ito’y tinutusok ng paulit-ulit na kahit anong gawin ko ay hindi mawala-wala.

“p-pa pa’no mo nagawa sa amin ito? Kaya pala wala na kaming balita sa iyo kasi may bago kana palang pinagkaka-abalahan. Sana’y maging masaya ka sa desisyon mo pa.” patuloy ako sa pagluha habang binibigkas ang bawat salita.

“n-nak…” huling sambit ni papa pero iniwan ko lang ito at mabilis na tumakbo. Nasaksihan ni mama ang buong pangyayari at siya’y di rinn makapaniwala.

Akala ko babalik ka sa amin, kaya pala wala na kaming balita sayo dahil giniba mo ang pangako mo sa amin nitong nakalipas na tatlong taon.

@unknwnmoon

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

UNTOLD STORIES: One-shot compilationWhere stories live. Discover now