Chapter 8: Paktay!

39 0 0
                                    

Jake's POV

Nakauwi na kami. Kanina nung nasa kotse kami puro sila tanong sa akin. Kesyo bakit ko daw binitawan yung baso. Kung nasaktan daw ba ako. Kung malalim daw ba yung sugat.. Sabi ko naman nung tinanong nila kung bakit ko binitawan yung baso ay may gumapang na antik sa kamay ko. Buti naniwala sila. What a lame excuse. Tapos sabi ko okay na di naman kako masyadong masakit at malalim kahit masakit at medyo malalim naman talaga. Psh. Baka dalhin pa ako ni mommy sa ospital. Paranoid pa naman yun.

"Drew, sigurado ka bang di na masakit? Takot ka pa naman sa dugo. Haha" Sabi ni ate Yhancy. Dios mio! Hanggang ngayon ba naman tanong pa sila ng tanong. Nakaupo kami ngayon dito sa sala.

"Oo nga ate. Ok lang ako. Paulit-ulit po kayo. Para tuloy akong naputukan ng paputok sa kamay e nabubog lang naman ako. " Sabi ko naman. Titigil lang sila pag naniwala na si mommy. Promise. Kaya nga sana si mommy umokay na.

"Oh sige sige. Manang Judy! Pakihain na nga po ng pagkain. Salamat po" Hay salamat naman at dahil doon natahimik na ang lahat. Tsaka yang si mommy ganyan talaga yan. Pinopo ang mga kasambahay naming mas matanda sa kanya kasi ang tagal na rin nilang nagsisilbi sa amin. Mapagkakatiwalaan na rin namin sila.

Umupo na kami sa pwesto namin ganito yun. Pang sampu yung pwedeng umupo dito. Tapos ganito yung pwesto namin.

Mom Chair Chair Chair Chair
Dad| T A B L E |Chair
Me Ate Chair Chair Chair

Kaya pag kumakain ako mag- isa ay malungkot kaya yinaya ko na lang ang mga kasambahay namin. Tumatanggi nga sila minsan eh pero pinakikiusapan ko na lang sila. Wala namang problema kila mommy yun eh.

Nakahain nayung pagkain. Sinasalinan na rin ni manang Rosa ng juice yung mga baso namin. Kumakain na kami.

"Sample ka mamaya ng sayaw Drew ha! Hahahaha.. May lihim ka palang talento. Haha" Hay nako sinasabi ko na nga ba ehh

"Hoo! Oo na ate Yhan! Psh." Sabi ko naman.

"Yehet! Ohorat!" Sabi pa ni ate habang pumapalakpak. Childish masyado. Psh.

"Nak sigurado ka bang nakagat ka lang ng antik?" Hay si mommy talaga napakaparanoid.

"Opo mommy" Sagot ko.

"Eh kung ganoon nak, San naman kaya nanggaling yung antik na yun?" Sabi naman ni daddy na may halong pagtataka.

"A e b-baka po nanggaling l-lang sa sulok s-sulok" Sabi ko pa habang nagkakamot ng ulo. Inis! Nagiistutter pa ako.

"A ok " Sabay na sabi ni mommy at daddy.

"Hindi mom! Ang tagal niya kaya nakatingin kay secret girl kanina bago nya mabitawan yung baso" Hala naman si ate! Paktay! Kilala nya nga pala si Kathneese.. Lagot na..

×××
Hala! Sorry ulit sa short and turtle update. Turtle net din po kasi dito eh. Tsaka sinabi ko na naman po diba na short and slow UD lang. Cp lang po kasi madalas kong gamit. So yun po! Nakagat ng antik? Sus, ang lame naman ng excuse ni Jake haha. Pabitin ulit! Enjoy reading!

The FB StatusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon