PROLOGUE
───────────────────────
"Kie, your father and I have soemthing to discuss."
Nilapitan ko sila at umupo ako sa gitna nila sa couch. Nanaig ang katahimikan pero kahit hindi sila magsalita ay kapansin-pansin ang pait sa mga mukha nila. I tried to keep a poker face even though I know what's clearly going on.
"About what?" I asked lazily.
Hindi talaga mabuti ang pakiramdam ko these past few days, at dumagdag pa ang pag-aaway nina Mommy at Daddy. Imbis na mapayapa akong nagpapahinga ay puro bangayan at sigawan lang nila ang naririnig ko. Ni-hindi ko nga alam kung masama ba ang pakiramdam ko dahil sa sakit o dahil sa pag-aaway ng mga magulang ko.
"Our marriage isn't working out anymore..." Napalunok ako at tinignan silang dalawa. Matamlay ang mukha ni Mommy habang magkasalubong naman ang mga kilay ni Daddy.
I'm pretty much aware of that. Especially the mere fact that I live with them, I witness every fight they have. Kahit na subukan ko silang pigilan, wala lang nangyayari, imbis na humupa ang pagtatalo nila ay lumalala lang ito araw-araw. Kahit maliit na bagay nga ay pinag-aawayan na nila.
While their angry voices lingered downstairs, all I could do was cry in my room knowing I couldn't do anything about it.
As tears began to form in my eyes, I could see the guilt and gloom on their eyes. Their face says all what's needed to be said. Magaling pa naman akong bumasa ng mga mukha. Halatang nagpipigil na rin sila ng luha, pero tinraydor yata ni Mommy ang sarili niya dahil may tumulo nang luha sa kanyang kaliwang mata bago pa siya makapagsalita,
"And we've already made a decision..." My breath hitched since I already know what to expect. I still managed to keep a straight face while listening, with full knowledge where this shit is going.
"We will be splitting up. Actually, we already signed an annulment..." My heart dropped from what Mommy said.
I knew it, I fucking knew it.
Sinubukan kong pigilan ko ang rumaragasang emosyon ko dahil ayaw kong sumabog sa harapan nila. But what the hell, nakapag-annulment na sila nang wala akong kaalam-alam, tapos sa ganitong paraan ko pa talaga malalaman. "And you told me just now? Kailan pa kayo nagpa-annulment?" Padabog akong tumayo habang naluluha—hinarap ko sila parehas.
Napansin ko ang pananahimik ni Daddy. Si Mommy lang ang umiimik sa kanilang dalawa.
She looked down and responded reluctantly "3 days ago..." Napasapo ako sa buhok ko dahil sa aking narinig, what the fuck.
Alam ko namang hahantong sa ganoon, eh. Alam ko, inaasahan ko, at hindi lingid sa aking kaalaman. Pero masakit pa rin pala kahit ineexpect mo nang mangyari ang isang bagay na kinatatakutan mo. 'Yong tipong naghihintay ka na lang, at kapag nangyari na, doon bubuhos ang lahat ng sakit at pait.
Nilapitan ako ni Mommy at niyakap. "Pasensya na, Kie."
Napatulala na lang ako habang nakayakap sa akin si Mommy na tumatangis. Ang dami kong gustong itanong sa kanila, pero kapag inalim ko lang ang buong detalye ng butas ng relasyon nila ay baka mas masaktan lang ako. Tama na muna, sapat na itong sakit na ito para sa ngayon.
"Minabuti naming hindi muna sabihin sa'yo dahil parang wala ka sa mood palagi ngayong nakaraang araw... We thought It will only worsen-"

YOU ARE READING
Seductress Azarea
Romance"I loved her against reason, against promise, against peace, against hope, against happiness, against all discouragement that could be." ───────────── What would you feel if your dad's mistress is only 2 years older than you? Everything was so sudd...