Red Strings 16

2.3K 81 40
                                    














I V Y

Nagising ako nang nakaupo pa rin. Nakasuot pa rin ang piring ko, ramdam kong nakatali pa rin ang mga kamay at paa ko. Naiiyak nanaman ako, masisira make up ko neto! Pag nakita ko talaga tong si Ate Margarette, sasakalin ko 'to!

"Tu-Tulong.." Naiiyak kong sambit. Pinipilit kong tanggalin ang tali ng kamay ko para matanggal ko ang tali ng paa ko. Teka? Malambot upuan sa van bago ako makatulog ah? Nandito na siguro ako sa kung saan nila ako dinala. Napakatahimik kasi.

Tuluyan nang tumulo ang luha ko dahil hindi ko matanggal yung tali sa kamay ko. Humanda ka talaga sa'kin pag nakaalis ako dito, Ate Margarette. "Ano ba 'to bakit kasi ayaw mong matanggal.."

"Ahh!" Napasigaw ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. "Sino ka?!"

"Shh." Sagot niya kaya naman nangilabot ako. Mas lalo akong kinilabutan nang haplusin niya ang pisngi ko.

"Wag mo kong hawakan-- sisipain kita!" Bulyaw ko dito at narinig ko naman ang mahinang hagikgik niya.

Nagtaasan ang buhok lahat sa katawan ko nang bumulong siya sa akin. "You're safe now."

Naramdaman kong tinanggal niya ang tali sa paa at kamay ko. Sunod niyang tinanggal ang piring ko at halos mabulag ako sa liwanag ng paligid. Napapikit pa ako dahil masakit ito sa mata. Nang unti unting nakapag adjust ang mata ko ay tumingin ako sa paligid.

Bakit nandito kami?

"Okay ka lang?"

Dahan dahan akong lumingon sa nagsalita at halos malaglag ako sa upuan ko nang makita ko siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong ko at ngiti lang ang sinagot niya sa akin.















T H I R D P E R S O N

Napatingin si Jema sa limang lalaking dumeretso sa kanya. Buhat buhat nito si Ivy na wala pa rin malay.

"Tulog ba sya?" Takang tanong ni Jema.

Tumango naman yung isang lalaki. "Pinatulog namin, Madam. Ang ingay kasi."

"Tanga ka!" Nakaramdam naman ng sakit yung lalaki dahil binatukan siya ni Jema. "Ako pagagalitan sa ginagawa niyo eh. Ilagay niyo na siya doon sa upuan, parating na din yon maya maya."

Kamot ulo namang sumunod yung limang lalaki at maayos na iniupo si Ivy sa upuan. Tulog pa rin ito at hindi gumagalaw. Maya maya pa ay dumating na nga siya at nakitang walang malay nga si Ivy.

"Anong nangyari sa kaniya? Bakit walang malay?" Takang tanong niya at sinipat pa si Ivy kung may galos ba o wala.

"Ah eh kasi.. pinatulog nila si Ivy sa van kasi nag-iingay daw." Natawa naman siya at sinuklay ang buhok ni Ivy. "Bakit ka natatawa?"

Umiling naman siya. "Maingay kasi talaga to pag natataranta."

"Halika nga dito at aayusin ko yang suot mo." Sambit ni Jema kaya naman lumapit ito sa kaniya. Inayos niya ang kwelyo nito at pinagpagan ang damit. "Good luck kung mapatahimik mo yan si Ivy."

"Mananahimik yan pag natanggal na yung piring at tali niya." Natatawang sagot nito at naglakad na sa pwesto ni Ivy. Tinanong naman siya nung matandang lalaki sa harap kung okay na ba. "Let's wait for her to wake up first."

Red StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon