Red Strings 20

498 33 7
                                    






D E A N N A

Napapikit ako nang maramdaman ko ang simoy ng malamig na hangin dito sa terrace. It has been 6 years since that happened.

Magaling na ako. Nakalabas na ako ng mental hospital 2 years ago. Mahirap, sobrang hirap ng pinagdaanan ko. I couldn't recognize myself for those years. At leaste we got justice for Ivy kasi naipakulong ni Bea yung mastermind ng pagdakip sa kaniya.

But we still don't know where she is.

Hindi na din niya maituro kung nasan ang mga tauhan niya dahil nagtago na ito sa kung saan saan.  Naipakulong man namin, hindi pa rin naman namin alam kung nasan si Ivy. The last thing we know is tinapon nila si Ivy sa dagat. Hindi ko alam kung buhay pa ba sya pero mukhang malabong mangyari yon dahil dagat na yon, anong posibilidad pa na makaligtas siya lalo na't unconscious siya nang itapon siya sa dagat.

Iniisip ko pa lang ang mga possibility na ginawa sa kaniya ng mga yon ay sumisikip na ang dibdib ko. Nagawa ko mang patawarin ang sarili ko sa nangyari pero nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Unti unti na akong umuusad. Babalik na ako sa company namin para ituloy ang hindi ko natapos pero gusto ko muna ng oras at panahon para sa sarili ko.

“Still thinking about what happened?” Rinig kong tinig mula sa likod ko at nakaramdam na lang ako ng dalawang brasong pumulupot sa bewang ko.

Tumango naman ako. “Hindi maiwasan, darling. Kahit naman siguro ikaw yung nasa posisyon ko, maaalala't maaalala mo pa rin talaga 'yon.”

“Shh, darling. Ivy's in good hands now. She's with our creator, isn't she?” Malambing na tugon niya sa akin. “Kung ano mang pinagdaanan niya sa kamay nila, I'm sure she finally got to rest peacefully now.”

Bahagya na lang akong ngumiti at humarap sa kaniya. “Thank you for always being here for me, Miracle.

“Always welcome, darling. Do you want to go to the church and pray for Ivy?” Ngiti niya. Tumango naman ako at sumunod sa kaniya. May malapit na simbahan dito sa amin at nagtungo kami doon ni Miracle upang magdasal.

Lumuhod ako sa harap at pinagsalikop ang aking mga kamay.

Lord,

Kung nasaan man si Ivy ngayon, nandito man o nandiyan na kasama mo, sana po ay panatilihin niyo siyang ligtas at masaya. Matagal na panahon na ang nakalipas, lahat ng tao nakausad na sa nangyari. Oras na para sarili ko naman ang umusad sa nangyari sa aming dalawa.

Mahal na mahal ko po ‘yon. Kahit gaano pa katagal at kahit sino pa ang dumaan sa buhay ko, hindi mawawala si Ivy sa puso ko. Mananatili siyang nakaukit dito.

At kung ano man ang plano mo para sa akin, malugod ko po iyong tatanggapin dahil alam kong may plano kang mas maganda para sa akin. Nadapa man ako pero binangon mo akong muli, at ngayon sa huling pagkakataon, binibigyang laya ko na ang sarili ko sa lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Wag niyo po akong pababayaan, Lord.

Mahal ko po kayo.

Amen.

Dumilat na ako at tumingin sa altar sa harap. Handa na ako.

Umupo ako at nakita ko si Miracle na tapos nang magdasal. “You done?”

“Yes.” Sagot ko. Tumayo siya at inilahad ang kaniyang kamay sa akin. Masaya ko itong tinanggap at hawak kamay kaming lumabas ng simbahan.

Buong araw kaming nagliwaliw ni Miracle. Pumunta kami sa amusement park, kumain kami nang kumain, naglaro kami, sumakay kami sa mga rides. Lahat ng masasayang bagay ay ginawa namin ngayon. Sobrang saya kong makasama ang babaeng ito. Sana siya na talaga.

Red StringsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon