ANG GANDA sana ng araw ni Molly. Nag-almusal siya ng sinangag at adobong manok with egg, humigop ng kapeng maraming gatas, at higit sa lahat, konte na lang ang hair fall niya. Limang strandsna lang ang nalagas nang maligo siya. Effective ang katas ng luyang dilaw—beauty tip from her BFF—Beking Friend Forever, si Rengie.
Linggo. Looking forward din si Molly sa maghapong pagre-relax at sinimulan niya iyon sa Facebook. Lalong gumanda ang mood niya nang makitang patuloy na may nagkakagusto at nagpapakalat ng video na ginawa nila ni Rengie para sa turismo ng kanilang lalawigan.
Fun! Fun! Fun! In Pangasinan! Mala-Amazing Race ang tema ng sixty-seconder na video na buong pusong pinondohan ng tanggapan ng gobernador matapos nilang i-pitch ang konsepto.
Umarkila sila ng tatlong pares na mga turista—gay couple mula sa Norway, mag-BFF na Manileños, at kambal na balikbayan na taga-Alaminos din at kaibigan ni Rengie. Pinagkarera nila kunwari ang tatlong pares sa mga tourist destination, pinakain ng local delicacies, at pinahalubilo sa locals.
Two weeks ago pa nila iyon in-upload sa YouTube. Binaha agad sila ng positibong comments at CONGRATS mula sa mga kasamahan nila sa Department of Tourism. Maging ang secretary mismo ay nagpadala ng pagbati, appreciation, at encouragement.
Bukod sa success ng kanilang promotional video, pampaganda rin ng araw at mood ang mga PM mula sa mga long-lost friends niya.
Sabi ni Jackie, nami-miss na raw nito ang Mykonos dahil nasa karagatan na uli ang pinagtatrabahuhan nitong cruise ship. Mataas na ang posisyon doon ni Jackie at nakabili na ito ng sariling bahay at sasakyan.
<OKAY LANG UN... MAKAKABALIK KA PA NAMAN DUN. 'BUTI KA NGA, KUNG SAN-SAN NA NAKARATING, HANAP MO NA LANG AKO NG GREEK TYCOON HUSBAND. LOL> sagot ni Molly.
<DI BAGAY SA YO GREEK, WAIT MO NA LANG D'YAN AN PARA SA YO.>
<PANIS NA KO DI PA DUMARATING>
<HAHAHAHA.MALAPIT NA, NAG-TEXT SA 'KIN, OTW NA DAW S'YA.>
<GAGA! BAKA SYOKOY YAN.>
<WAFU NA SYOKOY...HAY, ANG TOTOO KO NAMI-MISS, FAMILY KO DYAN... ANG BEBE KO, NANAY KO, PATI IKAW. TAGAL PA TAPOS CONTRACT KO>
<MATATAPOS RIN YAN.GET-TOGETHER TAYO PAG-UWI MO.>
Hindi na sumagot si Jackie. Ibig sabihin, naka-duty pa si Jackie, nakanakaw lang ng chance para maka-chat siya kahit sandali. She clicked the other message. Mula kay Tessa, isang international flight attendant sa PAL. May kalakip na larawan ang mensahe. PRADA handbag at pabango, ipapadala raw sa kanya bilang belated na regalo sa nakalipas niyang kaarawan.
Napa-'yehey" si Molly, may kasamang palakpak.
<THANKS SO MUCH! NXT YEAR, 'WAG MO ULIT AKO GREET SA BDAY KO PARA BONGGAANG GIFTS! THANKS! I LOVE YOU! I MISS YOU! INGAT KA LAGE.>
Hindi na siya nag-expect na masasagot kaagad ni Tessa ang mensahe niya. Um-exit na lang siya at tiningnan na lang ang ibang notifications. A-ha! Audrey Carlos posted on your wall.
Si Cinderella, kasayaw ang Prince Charming. May caption: Fairy tales are real.
Umasim ang mood ni Molly. Kung hindi niya kilala si Audrey, iisipin niyang encouragement ang post niyon. Pero kilala niya ang babae at alam ang pinanggagalingan ng Cinderella post."Move on! Get a life!" aniya sa screen.
BINABASA MO ANG
INTERVIEW WITH MOLLY (Soon To Be Published)
RomanceINTERVIEW WITH MOLLY BY ROSE TAN