NAPAKURAP si Rengie, parang Sleeping Beauty na biglang nagising.
"Paano'ng hinarang?" Tila mas nabuhay ang hasang at mas nawalan ng interes maligo, umayos ng upo sa tabi ni Molly."Nagpunta ka sa church, nagtaas ka ng kamay?"Itinaas nito ang kanang kamay."Itigil ang kasal! Gano'n?"
"OA ka naman. Hindi sila umabot sa church," sagot ni Molly, may himig ng pagmamalaking hindi niya maitago. Dahil kahit ibinaon na niya sa kailaliman ng isip at diwa ang nangyari sa kanila ni Rios, may bahagi siyang makapal ang mukha at proud na proud pa sa nagawa niya. Iyon din ang bahaging lihim pang nagpapaapekto kay Audrey hanggang ngayon.
Humagalpak nang patili si Rengie. "Gusto ko 'yan! Pang-Wattpad Presents!" Bukod sa maging YouTube sensation, pangarap din ng kaibigan na maging tanyag na manunulat at ipalabas sa pelikula o telebisyon ang akda. "Simulan mo sa umpisa, sisterette. Paano, kailan, saan—" May kumatok."Leche.Sino 'yan?"
"Rios," sagot ng kumatok.
Sabay na umayos sina Molly at Rengie at sumenyas pa ang huli ng 'quiet' pagkatapos ay binuksan ang pinto.
"Kulang ang pako?" tanong ni Rengie.
"Sobra. Baka may extension cord ka? Hindi pala gumagana ang outlet sa sala. Hindi na abot ang cord ng barena."
"Oo nga pala. 'Sensiya ka na, ha. Ang mga lizards kasi, ang hihilig mangitlog sa kuryente. Teka lang. Pasok ka pala muna, tuloy-tuloy lang. Upo ka, maluwang ang sofa." Iyong puwesto ni Molly ang itinuro ni Rengie at iniwan ang dalawa sa sala.
"Salamat." Tumuloy si Rios atsa tabi nga ni Molly naupo sabay tapik sa tuhod niya."Kumusta ka na talaga?"
"Mabuti talaga." Pasimpleng sumiksik sa armrest si Molly.
"Mommy mo, kumusta?"
"Mabuti rin."
Tatango-tango si Rios. "Mabuti naman at mabuti kayong lahat," anito, may sarcasm at ngingisi-ngisi.
"'Ginagawa mo dito?" tanong ni Molly. Wala siyang ibang maitanong, at the same time, curious din naman talaga siya. Matagal na siyang walang nababalitaan hinggil kay Rios. Dahil iniiwasan din naman niyang makibalita.
"Kauuwi ko lang from New Zealand. Ikaw, kumusta ang turismo natin?"
Gulat pa sa gulat siya. "Bakit mo alam kungsaan ako nagtatrabaho?"
"Nakita ko sa FB," simpleng sagot ni Rios at tila namasyal kung saan ang isip."Ang bilis ng panahon, 'no?"Rethorical question."Hindi ka pa nag-aasawa." Pasalaysay, hindi patanong.
"Sure ka na wala pa akong asawa?" ani Molly kahit alam na ibinuking na siya ng Facebook.
"Sabado ngayon, eh. Wala ka sa bahay. Dalaga ka pa."
"Gano'n?" Nangingiti si Molly sa sagot ni Rios. Ang layo sa inaasahan niya.
"Kung may asawa ka na, nasa bahay ka ngayon. Naglalaba."
Tuluyan na siyang natawa sa kabila ng discomfort na nararanasan. Higit sa good looks at heavenly body ni Rios, mas nahulog siya sa sense of humor ng lalaki. Kung siya ang tatanungin, hindi ito dapat engineer kundi diplomat. Kaya nitong pagaanin ang mabibigat na sitwasyon—maski siguro giyera mundial, kaya nitong hadlangan—at may kakayahan din ito na paniwalain ang kausap na iyon lang ang importante sa mundo.
BINABASA MO ANG
INTERVIEW WITH MOLLY (Soon To Be Published)
RomanceINTERVIEW WITH MOLLY BY ROSE TAN