Maingay sa room namin dahil wala nga dawng teacher sa First at Second Period. Yung iba nagkakantahan at nangunguna si Xarr doon yung iba naman eh nag-uusap at yung iba naman natutulog at Ako? ito nabobored naka headset.
2nd day of school ngayon at wala pa ring proper classes, siguro nagmemeeting pa ang teachers para sa plano nila this year.
Napag isipan kong lumabas muna ng room since dalawang period namang walang teacher at breaktime na kasunod nun. Pupunta nalang muna ako sa garden.
Tahimik lang sa garden at ako lang mag-isa. Sakto namang tumugtog yung kanta na Time Machine
I wanna go back to the way we used to be .
I wanna feel your skin your lips so close to me.
I wanna go back when I called you mine all the time.
Every smile and every moment.
If only I have.... a time machine.
Sana nga pwede akong makabalik sa nakaraan. Para ayusin lahat...
Para hindi ako nasasaktan ngayon..
Sana masaya ako ngayon... Sana...
Naalala ko nanaman lahat ng sakit lahat ng ginawa niya lahat ng pagkakamali ko.Lahat!
"Pre, parang napapansin namin na nahuhulog ka na dun sa girlfriend mo ah" rinig na rinig kong sabi ng isang kabarkada niya.
"Onga! Pano bayan pre? Asan na tig One thousand naming lima?" sabi nung isa pa at sumang-ayon naman ang iba
"Psh, wag kayo! Hindi ako nahuhulog dun nuh,baka siya patay na patay sakin! Ni ayaw akong tantanan eh! Selos ng selos bukas ibebreak ko siya sa harap ng napaka raming tao." Hindi ko mapigilang hindi mapaluha hindi ko matanggap ang narinig ko. Ni hindi ako makahinga tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa madapa ako sa isang damuhan at doon umiyak ng umiyak.
Ginawa ko naman lahat...
Pinaglaban kopa siya sa lahat...
Tas niloko lang pala ako?
Bigla akong nabalik sa realidad nung may naglahad saakin ng panyo.
"Miss, gamitin mo muna ito oh.. Mukhang mas kailangan mo eh"
Tiningnan ko lang yung panyo atsaka tumingala ako sa naglalahad nito.
Nagulat ako sa nakita ko. Yung transfer student na classmate namin.
Tiningnan kolang yung panyo saka kinuha yun.
BINABASA MO ANG
Relationship For Rent
Teen FictionJoin The Mending Hearts Organization and mend that broken heart. ♥