Chapter 1

495 5 0
                                    


Chapter 1

"Aray! Ano ba? Kung maglakad-lakad ka naman tumingin sa daan hindi kung saan-saan." taas boses na sabi ni Eula na isa sa mga kaklase ko. Mataray, maarte, yan ang katangian na meron siya. Yan din ang bansag sa kanya.

"Sorry, hindi ko sinasadya," hingi ko na tawad dahil nagkabunggoan kami habang papunta ako sa aking upuan kung saan ako nakaupo. Sa dulo banda hindi malapit sa pintuan, mabuti na lang at may bintana kaya kahit papano ay makikita ko parin kung sino ang nasa labas. Wala na akong mauupuan sana dahil late akong nakapag-enroll kaya dito na ako pinaupo, mabuti na lang may extrang upuan ang kabilang kwarto kaya hiniram muna ng guro namin.

Dahil wala pa ang guro namin kaya maiingay na kaklase ang maririnig mo. Usap ng mahina sa katabi na kayo lang makakarinig, meron ding nag-uusap na walang pakialam kung umabot sa kabilang section ang boses. Walang ibang grupo na maingay sa classroom namin kundi ang mga lalaki.

Pinapangunahan na ito ng mga  kagrupo  ni Ignacio  Baltimoore. "May chick sa kabilang classroom, puntahan natin mamaya at magpakilala," sabi ni Junard. 

"Oo ba! Iyon ba yung chinita na maputi?" tanong naman ni Singko.

"Yep! Sana mabait at hindi suplada! Ano sa palagay mo dude, Ignacio?" tanong nito sa kaibigan.

Nilagay ko ang bag ko sa gilid ng upuan at nilabas ang mga libro at notebook ko. Naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila kasi malapit lang ang mga upuan namin at si Ignacio sa katabi ko lang nakaupo, seatmate kaming dalawa. Ayaw niyang umupo sa gitna ayaw din malapit sa harapan dahil minsan kapag hindi nakatingin ang guro sa amin o wala sa mga estudyante ang focus niya kundi  sa chinicheck na papel kaya malaya si Ignacio na makaidlip o makatulog habang nakayuko sa kanyang upuan.

"Kayo na lang at huwag niyo akong sinasama sa mga kalokohan niyo," saad nito. Hindi ko alam kung bakit nasisiyahan ako sa sinabi niya. May kung ano sa puso ko na nagdiriwang sa hindi ko pa malaman na dahilan.

"Wee...ang sabihin mo na may inaabangan ka lagi sa classroom natin at speaking of inaabangan ay papasok na siya dude..look who's that girl? Ayieh kinilig yan!" pang-aasar ni Junard.

Ano ba yan. Ang saya na ng puso ko kanina tapos ngayon na wala pang minuto pinalungkot naman agad. Binalingan ko ang pinto dahil sa pagpasok ng iba pa naming mga kaklase at kabilang naroon ay ang crush ni Ignacio na hanggang ngayon hindi rin alam ng classmate ko na si Shemaia Rey Ocampo.

"Mga gago kayo! Manahimik nga kayo baka masapak ko pa kayo dahil nalaman pa niya na crush ko siya ng dahil sa inyo. Malilintikan talaga kayo sa akin. Hayaan niyong ako mismo ang magsabi sa kanya." paalaa ni Ignacio sa kanyang mga barkada.

Binabasa ko ang subject namin ngayon dahil baka mamaya ay may long quiz na naman ang teacher namin. Pero kahit anong tutok ko sa notebook ko na may nakasulat ay hindi sila nag sisiakyatan sa utak ko kaya ang ending wala talaga akong naiintindihan ngayon. Mas nanaig pa ang sakit ng dibdib ko dahil sa narinig na sinabi sa katabi ko na pagkagusto sa kaklase namin. Hays! Bakit ba hindi ako crush ng crush ko? Kasi ang pangit mo Mica at marami kang tigyawat sa mukha kaya kahit kailan hindi ka niya magugustuhan. Hay! Sarili kong tanong, sarili ko ring sagot.

"Ewan ko sa'yo parekoy, mauunahan ka na yata eh. Mas madalang ang pakikipag-usap nila nung 4th year high school na si Valentino.  Minsan nga nakita pa namin minsan na naghoholding hands, tapos ang sweet sa isa't-isa, hala baka sila na nga tapos ikaw? Wag munang hintayin pa na matisod ka bago mo sabihin ang nararamdaman mo sa kanya," singit naman ni Singko. 

"Basta wala akong pakialam kung sino man yang nilalang na yan basta bago matapos ang taon na ito ay mapasakin siya." saad ni Ignacio.

Malalim akong napabuntong hininga na lamang at hindi ko alam na napalakas siguro ang ginawa ko kaya nakatingin sila sa akin. Kunot-noo ko silang tiningnan.

YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon