Chapter 3

99 2 0
                                    


Chapter 3 

"Oops sorry! Ang lampa mo kasi!" pinigilan ko ang sarili ko dahil sa sinabi ni Eula. 

Sa nanginginig na mga tuhod lumuhod ako para pulutin ang natapon sa sahig, wala namang nabasag dahil plastic bowl naman nakalagay ang ginataang langka at tubig.

Nag-angat ako ng tingin at yun na lang ang paglaki ng mga mata namin, ako at ang ibang estudyante na dinambahan ng suntok ni Ignacio ang lalaking estudyante kung bakit ako ngayon natalisod.

"Gago!" 

"Mas gago ka! Nakita ko yun huwag ka ng nagmamaang maangan pa!" galit na sabi ni Ignacio sa lalaki na hindi ko malaman kung ano ang relasyon nila ni Eula dahil minsan ko silang nakita na magkasama.

"Do not touch that Mica," binalingan ko siya dahil sa narinig na pangalan. Nakatingin ito sa akin kaya hindi niya napansin ang estudyante na sinuntok niya kanina na kumuha ng tray at ihahampas na sana kay Ignacio, bigla akong tumayo para sa akin mapunta ang gusto niyang ihampas kaysa taong gusto lang akong tulungan.

Kaya sa akin nahampas ang tray sa bandang likod ko. Naramdaman ko ang sakit ng ulo at balikat. Bigla akong nahilo.

"Gago! Anong ginawa mo?" huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.

Nagising ako at idinilat ko ang mga mata ko, puting room ang unang bumungad sa akin at ang mukha ni Ignacio ang nakita ko na alalang-alala. Sa akin ba ito nag-alala? Ano ang nangyari? Bakit nasa clinic ako ngayon ng paaralan?

"Masakit ba ang likod mo? Ulo mo? Balikat? Ano pa Mica. Tell me para masuri natin," sunod-sunod na tanong ni Ignacio.

"Mica, anong nararamdaman mo ngayon?" tanong din ni Lisa.

Iniisip ko kung ano ang nangyari, bakit ako nandito at ganito na lang sila nag-alala sa akin.

Nang maalala ko ay napapikit ulit ako, nakagawa ako ng eskandalo sa paaralan na ito. Kung maingat lang sana ako sa paglalakad ko, hindi mangyari ang mga ganito.

"Ayos lang ako. Huwag na kayong mag-alala sa akin." saad ko para hindi na sila mag-alala sa akin kahit medyo nararamdaman ko pa rin ang pagtama ng bagay sa likod ko.

"Sorry!" kunot-noo kong binalingan si Ignacio. Hinahaplos niya ang buhok ko habang nakatingin sa akin. Kung wala ako sa sitwasyon ngayon baka tatakbo na ako palabas ng clinic para magtago dahil sa sobrang lapit na naman niya na ilang dangkal na naman ang pagitan sa amin. 

Hindi na naman ako nakatiis at talagang sinukat ko pa sa aking mga daliri kung isang dangkal lang ba talaga at tama nga ako.

Natawa ito dahil sa ginawa ko.

"You always doing that, why?" binaba ko agad ang kamay ko at iniikot ang mga mata dito sa clinic para hindi niya mapapansin na namumula na itong pisngi ko.

"Gusto ko lang, masama ba?" natawa na talaga itong isang to. Nagpaalam muna si Lisa dahil magbabanyo lang. Kaya kami na lang dalawa ni Ignacio dito sa maliit na kwarto para sa mga estudyante na dinadala dito kapag may nararamdaman may mijor na sakit.

"Hindi naman, instead I like it," agad ko siyang nilingon at halos kainin na ako ng lupa dahil mas malapit na kami ngayon sa isa't-isa. Hindi na dangkal kundi naramdaman na namin ang mga ilong namin na nagkatagpo. 

Bigla akong umiwas at napatayo rin siya ng tuwid. 

"Kakain ka na? Alam kong hindi ka pa kumakain," dahil sa sinabi niya bigla akong bumangon pero yun na lang pagbalik ko sa higaan na maramdaman ko pa rin ang sakit sa ginawa noong estudyante.

YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon