Chapter 4

101 2 0
                                    


Chapter 4

"Nandito kami ngayong hapon sa gym dahil nanood ng basketball, huling practice para sa intramurals na gaganapin next week.

Binihasa ko na rin ang sarili ko sa paglalaro ng chess dahil yun ang gusto ko na salihan. Pandagdag na rin sa puntos ng grades ko. Pangit naman kung mas marami at malalaki pa ang mga pimples ko kaysa sa mga grado ko.

May kanya-kanya namang kinaabalahan at gustong salihan na activities ang ibang mag-aaral. Bata pa lang ako na mahilig na akong maglaro ng chess dahil ang tatay ko ay mahilig din maglaro ng ganyan at katunayan lagi siyang panalo sa mga sinasalihan niya noong kabataan niya. Sa kanya ko natutunan ang paglalaro dahil tinuturuan niya ako kapag may oras siya o pampalipas lang ng antok.

Libangan ko lang naman dati hanggang iyon na lang ang naging pambato ko kapag may intrams kami sa school dahil mas madali na sa akin at hindi kapa mapapagod. Mabuti at available sa school namin kaya ng nabalitaan ko, nagmungkahi agad ako na ako na sa chess, nasa mga mata nila ang pagduda na baka hindi ko kaya. Pero nung sinubukan ko at nanalo noong second year kami kaya natuwa sila na kaya ko pala na marunong ako sa bagay na ganyan.

Uupo ka lang naman at utak mo na ang paganahin mo para hindi ka matalo sa kalaban mo. Pero kung mas magaling ang kalaban ko, well talo ako. Kaya dapat ko pang igihan ang pag-eensayo dahil sobrang malapit na lang talaga.

Nasa pinakadulo ako ngayon ng bench nakaupo malapit sa exit para madali lang akong makalabas ng gym after nina Ignacio maglaro. Wala kaming pasok ngayong hapon para makaensayo ang lahat, isa pa may meeting ang mga guro namin. Wala naman akong ibang gagawin dahil ang ibang kaklase may mga practice rin kaya dito ko naisipang pumunta.

Isa pa, hindi pa kami pwedeng umuwi hangga't hindi pa sumapit ang alas kwatro.

"Hanggang ngayon ba nahihiya ka pa sa mukha mo at dito kapa rin nakaupo?" singit ni Evan sa akin na kaklase namin at ako lang daw ang sinabihan niya ng kanyang sekreto. Tumabi siya ng upo sa bench kung saan ako at sino ba naman ako na hindi pwede. Kahit dito sa banda namin ay rinig na rinig  pa rin namin ang mga hiyawan ng mga estudyante na nag papa practice pa lang naman. Ganito ba sila ka fan ng basketball? O dahil nasa court at talagang member ng basketball team ang mga crush nila?

Oo Mica, tama sa dalawa ang mga katanungan ng utak mo.

"Hindi naman, ayaw ko lang makipag siksikan mamamaya paglabas.  Ano na! Nakaready na ba ang mga gagamitin mo tungkol sa fashion design na gagawin mo next week?" tanong ko sa kanya para maiba ang usapan dahil alam niya rin kung ano ang sikreto ko at yun ang pagkagusto kay Ignacio.

Lumapad ang ngiti niya sa'kin, for sure magandang balita ang tinanong ko sa kanya.

"Yes na yes lang talaga Inday, hindi na nga ako makapaghintay na darating din ang next  week na yan dahil ngayon pa lang ang dami ko ng gustong gawin sa mga damit." saad ni Evan. Natawa ako dahil pareho pala kami na gusto na dumating ang araw ng intramurals.

"Ang galing mo Ignacio! galingan mo pa lalo!" sigaw ng kabilang section. Hinagip ng mga mata ko kung nasaan ang sinisigaw ng babae.

With his blue jersey na may numero 8 sa likod ay panigurado ako na sa ngayon ay pawis na pawis na ito. Gusto ko siyang lapitan para punasan dahil may dala ako na extra na maliit na tuwalya kaso nga lang baka ayaw niya at hindi tanggapin ang towel o itabig niya lang ang braso ko, lalo at ako ang gagawa unless siguro kung crush niya ay hindi siya aangal.

Ayoko rin na may sasabihin pa na iba ang ibang makakakita.

Nang matapos na ang kanilang practice ay kanya-kanya na ang lapit ng mga estudyante para makipag kamay o bumati kahit hindi pa naman final. Mabuti pa ako chill lang sa upuan at ako lang ang nakakaalam na may crush ako sa isa sa mga ka teammate ng basketball.

YOU CAN HIDE BUT YOU CAN'T ESCAPE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon